Nagbigay ng payo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. hinggil sa pag-ibig bilang bahagi ng pagdiriwang ng Valentine’s Day.
Sa latest episode ng vlog ng Pangulo nitong Sabado, Pebrero 14, sinabi niyang pagkakaibigan umano ang pundasyon ng isang mabuting relasyon.
“For me, the basis of any good relationship is true friendship. The best relationships I've seen have all started by being friends. Sabi nga, made-develop 'yan,” saad ni Marcos, Jr.
Dagdag pa niya, “Pero kung di kayo magkaibigan, you don't have fond with each other, you don't have each other's company, you don't amuse each other... mahirap talagang magkaroon ng pagsasama.”
Kaya naman dapat nakabatay umano ang relasyon sa isang totoong pagkakaibigan.
Samantala, nagpaabot naman ng Valentine’s Day message ang Pangulo sa asawa niyang si Liza Marcos na itinuturing niya bilang “forever Valentine.”
Maki-Balita: PBBM sa 'forever Valentine' na si FL Liza: 'You complete me!'