February 14, 2026

Home BALITA Probinsya

Grade-5 student, patay matapos saksakin sa mata ng kaklase!

Grade-5 student, patay matapos saksakin sa mata ng kaklase!

Patay ang isang Grade 5 student matapos umanong matusok ng ballpen sa kaliwang mata ng kaniyang kaklase sa loob ng Antongalon Elementary School.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Macky,” 13-anyos, habang ang sangkot ay 11-anyos na lalaki at kapwa niya mag-aaral.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng caretaker ng paaralan na nakarinig siya ng sigawan mula sa loob ng silid-aralan at doon niya nakita ang biktima na duguan ang kaliwang mata matapos tamaan ng ballpen.

Agad dinala ang bata sa Butuan City Medical Center para malapatan ng lunas at kalaunan ay inilipat sa isang pribadong ospital. 

Probinsya

Dating Miss Philippines-Earth runner-up 2013, pinagbabaril sa mukha, katawan

Gayunman, makalipas ang apat na araw na pananatili sa pagamutan, nasawi ang biktima.

Ayon sa ama ng batang sangkot, nagsimula ang alitan dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan tungkol sa paggamit ng cellphone habang naglalaro. 

Aniya, nauna umanong sinipa at sinuntok ng biktima ang kaniyang anak kaya nagalit ito habang may hawak na ballpen, na siyang tumama sa mata ng biktima.

Iginiit ng ama na wala umanong intensiyon ang kaniyang anak na saksakin ang kaklase at aksidente lamang ang nangyari.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong sanhi ng insidente.