February 14, 2026

Home BALITA

EA, niregaluhan si Shaira ng ticket sa BTS concert

EA, niregaluhan si Shaira ng ticket sa BTS concert
Photo Courtesy: EA Guzman (FB)

Very supportive hubby ang peg ni Kapuso actor EA De Guzman sa pagiging fangirl ng misis niyang si Shaira Diaz sa South Korean boy band na BTS.

Sa latest Instagram post kasi ni EA noong Huwebes, Pebrero 13, mapapanood ang reaksyon ni Shaira matapos niya itong sorpresahin ng ticket para sa BTS concert sa Las Vegas.

“Alam ko how much you love BTS and JungKook, so this one’s for you. Happy Valentine’s Day Asawa. I just want to see you smile your biggest smile,” saad ni EA sa caption.

Dagdag pa niya, “P.S : Makikita mo na ng malapitan si JungKook. Ayos lang kahit sumigaw ka ng I LOVE YOU JUNGKOOK.”

Veterinary student na binansagang 'Cobra King,' patay sa tuklaw ng ahas!

Natuwa naman si Shaira sa regalo sa kaniya ng mister. Aniya, “Ilysm!!! Thank you! spoiled wifey ”

Nakatakdang ganapin ang naturang concert sa Allegiant Stadium sa Mayo. Ito ang muling pagbabalik ng BTS sa eksena matapos ang apat na taon nilang pamamahinga.