Nakakaloka ang tsinika ng director na si Andoy Ranay patungkol sa dating celebrity couple at magka-love team na sina James Reid at Nadine Lustre na nakilala sa bansag na JaDine.
Sa isang episode kasi kamakailan ng “Ang Walang Kwentang Podcast” hosted by Antoinette Jadaone at JP Habac, nahagip sa usapan nila ang isa sa mga eksena sa pelikulang “Diary ng Panget.”
“Sabi ni Boss Vic [del Rosario], kailangan ko raw i-launch 'yong James Reid saka si Nadine as the newest love team ng Viva na parang Sharon-Gabby. Sabi ko, hmmm. Ano bang hindi ginagawa ng love teams ngayon sa unang pelikula? Ay, maglaplapan!'" lahad ni Direk Andoy.
Dagdag pa niya, “Tinanong ko naman 'yong dalawa. Okay lang ba kayong mag-kiss diyan sa eksenang 'yan? 'Yon talagang kiss na kiss ha. Okay po, [sabi ni James] [Sabi naman ni Nadine], sure!”
Matatandaang ang “Diary ng Panget” ay batay sa best-selling novel sa Wattpad na isinapelikula ng Viva noong 2014 at pinagbidahan nina James at Nadine.
Simula noon, naging bahagi na sina James at Nadine ng phenomenal love team sa Pilipinas hanggang sa maging official ang kanilang relasyon kalaunan.
Ngunit natuldukan ito noong 2020, dahilan para sila mabuwag.
Maki-Balita: ‘Ungkatan ng past?’ James Reid, pinalagan netizens na binabalik nakaraan nila ni Nadine Lustre