February 13, 2026

Home BALITA National

'Usec. Claire Castro, nagdadala ng kahihiyan sa bansa!'—VP Sara

'Usec. Claire Castro, nagdadala ng kahihiyan sa bansa!'—VP Sara
Photo courtesy: File Photo

Idiniin sa publiko ni Vice President Sara Duterte na nagdadala umano ng kahihiyan sa bansa si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro. 

Ayon sa naging panayam ng News5 kay Duterte sa Davao City noong Huwebes, Pebrero 12, 2026, sinabi niyang paulit-ulit na raw niyang sinasabi ang pagdadala umano ni Castro ng kahihiyan bilang spokesperson ng Office of the President (OP). 

“Sinasabi ko na nga na paulit-ulit na ano, na si Claire Castro, nagdadala ‘yan ng kahihiyan sa ating bayan dahil tinawag siya na Spokesperson ng Office of the President,” pagsisimula niya. 

Paliwanag ni Duterte, hindi lang kasi ang Pilipino ang nakikinig sa mga sinasabi ni Castro bilang spokesperson ng OP, kundi naririnig din daw ng buong mundo ang mga pahayag nito. 

National

Usec. Castro kay VP Sara: 'Mas nakakahiyang naging anak ng most corrupt!'

“Syempre, kapag nagsasalita ang Office of the President, nakikinig ang buong mundo—hindi lang ‘yong mga kababayan natin,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Syempre kapag ganoon ‘yong nagsasalita at ganoon ‘yong sinasabi ng nagsasalita ay nagdadala siya ng kahihiyan sa bayan natin.” 

Ani Dutetre, dapat umanong hindi na pakinggan at pansinin si Castro. 

“Kaya dapat hindi na siya pinapakinggan at pinapansin,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang pormal at opisyal na pahayag, tugon, o reaksyon na inilalabas ang Palasyo kaugnay sa nasaad ni Duterte. 

MAKI-BALITA: Ikatlong impeachment complaint vs VP Sara, natanggap na ng opisina ni HS Dy

MAKI-BALITA: VP Sara, kamukha ng manikang si ‘Chucky’ 'pag galit!—Atty. Claire Castro

Mc Vincent Mirabuna/Balita