February 13, 2026

Home BALITA National

Usec. Castro may Valentine's day message kay VP Sara: 'Don't be a Chucky'

Usec. Castro may Valentine's day message kay VP Sara: 'Don't be a Chucky'
Photo courtesy: PCO (FB), File Photo

May sagot si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro sa umano’y nauna nang naging Valentine’s day message ni Vice President Sara Duterte na magkatuluyan daw sana sila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

KAUGNAY NA BALITA: Usec. Castro kay VP Sara: 'Mas nakakahiyang naging anak ng most corrupt!'

Ayon kasi sa ginawang press briefing ni Castro nitong Biyernes, Pebrero 13, 2026, tinanong sa kaniya kung ano ang magiging tugon nito sa nasabing pahayag ni VP Sara sa kaniya at sa Pangulo. 

“Hindi ko po alam kung napanood n’yo po ‘yong bahagi no’ng sinabi ni VP Sara na nagbigay siya ng mensahe patungkol sa Valentine’s day sa inyong dalawa ni Pangulong Marcos… Magkatuluyan daw sana kayo ng Pangulo,” tanong sa kaniya. 

National

Atty. Topacio atbp., naghain ng petition for indirect contempt vs SP Sotto!

Sagot naman ni Castro, puro paninira, “insinuation” o pasaring,” at imoralidad ang mga salitang nanggagaling umano kay VP Sara. 

“Ang anomang salitang nanggagaling sa kaniya ay puro paninira, puro insinuation, puro ka-imoralidad,” pagsisimula niya. 

Ani Castro, napakababa raw ng nasaad ni VP Sara bilang babae dahil mapagmahal na asawa at mabuting ama si PBBM at may pamilya rin daw siya. 

“Ang Pangulo po ay mayroong pamilya, mapagmahal na asawa, mabuting ama. At ako rin po ay may pamilya,” pagbabahagi niya. 

Diin pa niya, “So sa tulad ni bise presidente na magsasalita ng ganito, ito po ay napakababa bilang babae.” 

Nagawa pang magmungkahi ni Castro sa umano’y mga kaalyado ni VP Sara na turuan daw ng mga ito ang bise presidente sa paraan ng kaniyang pakikipagkomunikasyon. 

“Sa mga ganitong sitwasyon, ‘yong kaniyang mga kaalyado na nagmamarunong sa communications at mga propagandista, isang hiling, maaari n’yo pong turuan ang bise presidente sa kaniyang communications,” suhestiyon niya. 

Dagdag pa niya, “Bigyan n’yo po ng comms 101 para magkaroon naman ng konting, or rather, katiting na pagka-statesman.” 

Matapos nito, nagawa ng magbigay ng mensahe ni Castro kay VP Sara at sinabi niyang magpakalat ito ng pagmamahal sa paparating na Valentine’s day at huwag daw maging “Chucky.”

“Ang aking Valentine message sa kaniya, VP Sara, spread love not fake news, not immorality,” sumbat niya. 

“Don’t be a Chucky,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na bagong tugon, reaksyon, o pahayag si VP Sara kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, kamukha ng manikang si ‘Chucky’ 'pag galit!—Atty. Claire Castro

KAUGNAY NA BALITA: 'Usec. Claire Castro, nagdadala ng kahihiyan sa bansa!'—VP Sara

Mc Vincent Mirabuna/Balita