February 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Mag-inang chismosa, pinutulan ng kamay, tinaga sa ulo!

Mag-inang chismosa, pinutulan ng kamay, tinaga sa ulo!

Tinaga at muntikan pang masunog ang bahay ng mag-ina sa General Santos City matapos silang atakihin ng lalaking pinagchichismisan umano nila.

Ayon sa mga ulat, nagpapahinga raw noon ang mga biktimang sina Merriam Endal Kalamag, 45 taong gulang at anak niyang si Moisher Kalamas, 19-anyos sa loob ng kanilang tahanan nang makarinig sila ng ingay mula sa suspek.

Tinangka umanong sunugin ng suspek ang bahay ng mga biktima, ngunit agad silang nakalabas at nakahingi ng tulong. Mabilis namang naapula ng mga residente ang sunog.

Habang nakatayo sa may tindahan ang mga biktima, doon na raw sila muling inatake ng suspek gamit ang itak. Unang tinamaan sa ulong bahagi ang binatang biktima ngunit mabilis siyang nakatakbo upang humingi ng tulong.

Probinsya

King Cobra na nasagasaan ng pick-up truck, pinatay at inulam ng ilang residente

Naiwan sa suspek ang kaniyang ina na iniharang ang mg kamay habang tinataga siya ng suspek na agad nagresulta sa pagkaputol nito.

Mabilis nakatakas ang suspek habang naisugod naman sa ospital ang mga biktima na nananatiling nagpapagaling.

Ilang oras ang lumipas, nadakip ng mga awtoridad ang suspek, matapos siyang isuko ng kaniyang mga kaanak.

Depense ng suspek, nagawa lang daw niya ang krimen dahil sa patuloy na pagkakalat umano ng mga biktima ng chismis laban sa kaniya.

Ayon sa suspek, sinisisi niya ang mga biktima kung bakit tuluyan daw silang naghiwalay ng kaniyang asawa. Hindi raw kasi siya tinitigilan ng mga ito na magpakalat ng kuwento tungkol sa kaniyang personal na buhay.

Una siyang dinala sa Makar Police Station at kalauna’y inilipat sa Police Station 2 kung saan nahaharap siya sa mga kasong frustrated murder, serious physical injury at arson.