Napapatanong ang mga netizen kung ano ang ibig sabihin ng caption ni Kapamilya star Maris Racal nang ibahagi niya ang mga larawan nila ni Cup of Joe vocalist Gian Bernardino sa social media account niya.
Ibinida ni Maris ang mga larawan nila ni Gian nitong Huwebes, Pebrero 12, kung saan makikitang magkatabi silang dalawa habang may hawak na flowers ang aktres.
Bahagyang natatakpan ang mukha ni Maris pero bakas naman ang kilig sa kaniya, habang si Gian naman, medyo nakahilig sa bandang kanang balikat niya.
"Plot twist," mababasang caption ng post, na may emoji na white heart. Naka-tag ang post niya sa Instagram post ni Gian.
Napakomento naman dito ang aktor na si Albie Casiño, na nakasama ni Maris sa teleseryeng "Can't Buy Me Love" na pinagbidahan naman nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
"Stan ako ng cup of Joe dude," aniya.
Maging si AdProm (Advertising and Promotions) Head for Publicity and Press Release (PR) for Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN na si Eric John Salut, napakomento rin dito.
"Love is in the air!" aniya.
Photo courtesy: Screenshot from Maris Racal (IG)
Siyempre naman, nagulantang ang mga netizen at napatanong kung ano ba ang real score sa pagitan nilang dalawa.
Noong 2025, nag-open up si Gian na isa siyang pansexual; meaning, attracted siya sa sinumang tao kaht ano pa ang kanilang gender identity.
Samantala, hindi naman sinagot nina Maris at Gian ang mga tanong sa kanila ng mga netizen.