February 12, 2026

Home BALITA National

'Mahirap sa China, masyadong sensitive samantala sila aggressor!'—Sen. Raffy Tulfo

'Mahirap sa China, masyadong sensitive samantala sila aggressor!'—Sen. Raffy Tulfo
Photo courtesy: Senate of the Philippines (FB)

Pinatutsadahan ni Sen. Raffy Tulfo ang Chinese Embassy na tila masyado raw itong sensitibo samantalang sila umano ang “aggressor” sa Pilipinas. 

Ayon sa isinagawang press conference sa Senado ni Tulfo nitong Huwebes, Pebrero 12, sinabi niyang ang China umano ang nanga-harass sa mga mangingisdang Pilipino at Philippine Coast Guard (PCG) sa loob ng bansa. 

“Ang mahirap kasi sa China, napaka-sensitive nila samantalang sila ang aggressor dito,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Sila ‘yong nangha-harass ng ating mga mangingisda, pati ng ating mga Philippine coast guard, sila ang nambu-bully, sila ang nagwa-water cannon sa atin and yet nakuha pa nilang maging sensitive. Come on.” 

National

PBBM, flinex higit ₱63B pondo upang mapahusay irigasyon sa buong Pilipinas

Nagawa ng sumang-ayon ni Tulfo nang tanungin ito tungkol sa suhestiyon umano ni Sen. JV Ejercito na palitan ang kasalukuyang ambassador ng Chinese Embassy sa Pilipinas na si Jing Quan. 

Ani Tulfo, masyado raw agresibo at sensitibo si Quan kung ikukumpara sa mga naunang ambassador ng Chinese Embassy sa bansa. 

“I do agree [kay Senator JV]. Kasi very aggressive siya [Ambassador Jing Quan], very sensitive compare siguro sa mga previous ambassador ng China na na-assign dito sa Pilipinas,” aniya. 

Paliwanag pa niya, “Itong isa, masyado siyang sensitive and aggressive at the same time. Parang balat-sibuyas and agresibo siya sa kaniyang mga aksyon—’yong kaniyang reaksyon sa mga development, sa mga nangyayari dito.” 

Pagpapatuloy ni Tulfo, wala naman daw siyang recommendatory power para hilinging palitan si Quan ngunit para raw ito sa ikabubuti ng relasyon ng China at Pilipinas. 

“I think, yeah, maybe. Well, wala naman ako recommendatory power, wala akong authority para saying palitan. Pero it will best for the interest of the Chinese and Philippine relationship na siguro magkaroon ng bagong ambassador,” paglilinaw niya. 

“It will help a lot,” pagtatapos pa ni Tulfo. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na direktang tugon, reaksyon, o pahayag ang Chinese Embassy kaugnay rito. 

MAKI-BALITA: 16 opisyal sa komunidad ng Kalayaan, pinagbawalang pumasok sa China

MAKI-BALITA: 'China is indeed a bully!' Sen. Kiko, 'di raw papayag 'ma-disrespect' sa sariling bansa

Mc Vincent Mirabuna/Balita