February 12, 2026

Home BALITA Metro

‘Don’t be like Brice Hernandez!’ Sec. Dizon, nagbabala sa kabataang papasok sa DPWH

‘Don’t be like Brice Hernandez!’ Sec. Dizon, nagbabala sa kabataang papasok sa DPWH
Photo courtesy: Department of Public Works and Highways (FB)

Pabirong nagbabala si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon sa kabataang papasok sa ahensya sa kanilang ikalawang “Campus Job Fair” nitong Huwebes, Pebrero 12. 

“I just hope none of you turns out like Brice Hernandez or Henry Alcantara,” saad ni Dizon sa higit 400 aplikante na dumalo sa DPWH Job Fair sa De La Salle University (DLSU). 

Mas lumakas pa ang tawanan ng mga estudyante nang malaman ni Dizon na DLSU alumnus si Hernandez. 

“Buti na lang walang La Salle sa mga ‘yon… La Salle ba si Brice? Sorry. Dean, I’m very sorry. I didn’t know Brice was from La Salle. Terrible,” matawa-tawang saad ng kalihim. 

Metro

Maynila, may pa-'LapLuvan' sa Peb. 13

“Pagka-kayo naging Brice Hernandez, kulong din kayo. I’m sure none of you will turn out like Brice,” dagdag pa niya. 

Sa nasabing job fair, ipinakita ni Dizon sa mga estudyante ang epekto ng mga anomalya sa flood control sa pamamagitan ng mga litrato at video mula sa mga inimbestigahan nilang lugar sa iba’t ibang lugar sa bansa. 

“It’s not going to be easy, it’s not going to be overnight. It’s just gonna take years. But if you, guys, idealistic, dynamic, honest, young engineers do not join us, saan pa tayo pupulutin? Saan pa pupulutin ang DPWH? So, we need you to change that. It’s gonna take time, it’s gonna take a lot of hard work from all of us, but we’ve got to start now,” panghihiyakat ni Dizon. 

Ang ginanap na job fair sa DLSU ay magpapatuloy pa sa iba’t ibang pamantasan sa buong bansa sa mga susunod pang buwan. Matatandaang ginanap sa Mapúa University ang kauna-unahang job fair noong Enero 2026, kung saan dinaluhan ito ng higit 300 student applicants. 

MAKI-BALITA: ‘Samahan n’yo kami!’ DPWH, nanawagan sa kabataan na tumulong sa paglaban sa korapsyon

Matatandaan ding isa si Hernandez sa mga pangalan na inimbestigahan na mayroon kaugnayan sa mga anomalya sa flood control sa bansa. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Di pera kundi solusyon!' Sec. Dizon, binalikan lamesang nilapagan ng ₱300M nina Alcantara, Hernandez

Sean Antonio/BALITA