February 12, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga pamahiin para hindi maging ‘single’

ALAMIN: Mga pamahiin para hindi maging ‘single’
Photo courtesy: Unsplash

Matapos ang mahaba-habang holiday season, todo effort na naman ang mga ferson sa pagbili ng mga regalo sa darating na Valentine’s Month sa Pebrero. 

Ika nga ng mga “happily in a relationship,” araw nila ‘to. Normal na araw para sa mga single o bitter na iniwan. 

Kaya narito ang ilan sa mga paniniwala na dapat tandaan ng mga gustong magtagal ang relasyon o gusto nang maging “taken” 

1. Mapag-iiwanan sa pag-ibig sino man mahuli sa hapag 

Human-Interest

Gayuma, malakas bentahan sa Baclaran sa nalalapit na Valentine's day!

Sinasabi sa pamahiin na ito na hindi na makakapag-asawa ang sino man na mahuling kumakain sa hapag-kainan at mapagligpitan ng mga kagamitan tulad ng plato, baso, at mga kubyertos. 

Ito’y dahil para sa mga Pinoy, sagrado ang hapag at nagsisilbi itong daan para magkaroon ng koneksyon ang mga pamilya o magkakaibigan, kaya para mapagligpitan, pinaniniwalaan na maiiwanan sa buhay, partikular sa pag-ibig, ang isang tao. 

Kaya para maiwasan ang sentensya ng pagiging “forever alone and single,” bilisan kumain. 

2. Magiging “forever single” ang palaging pagkakaroon ng tirang pagkain sa plato 

Isa pa sa mga pamahiin na may kaugnayan sa hapag at estado ng relasyon ay ang mga tirang ulam o kanin sa plato. 

Katulad ng naunang pamahiin, pinaniniwalaan dito, na simbolo ng pagiging “napag-iwanan” ang mga tirang pagkain sa pinagkainang plato. 

Kaya para sa mga single na gusto nang humabol sa mga “taken” sa Valentine’s ubusin ang bawat piraso at butil ng kanin sa hapag. 

3. Mananatiling single ang mahilig kumanta habang nagluluto

Ayon sa pamahiin na ito, magiging “forever single” sino man ang mahilig kumanta habang nagluluto dahil pinaniniwalaan na nahuhumaling ang mga kaluluwa sa mismong kumakanta. 

Base naman sa ibang version, makakapag-asawa ng biyudo o biyuda ang pagkanta sa habang nagluluto. 

4. Ang pagkain ng paa ng manok bilang single ay nagdudulot ng maigsing relasyon

Base sa paniniwalaang ito, dahil ang manok ay laging naghahanap ng pagkain, ang madalas na pagkain nito bilang single ay nagdudulot para maging “clingy” o “toxic” ang isang tao, na posibleng dahilan ng break-up. 

5. Tatakbo palayo ang taong niregaluhan ng sapatos

Sa paniniwalang ito, malas na maituturing ang pagreregalo ng sapatos dahil sinisimbolo nito ang pag-alis o pag-iwan sa nagregalo. 

Kaya, posible na magdulot ito ng pagkasira ng relasyon sa simula pa lamang o kalagitnaan nito. 

Abiso ng ilang naniniwala rito, bigyan ng barya ang partner na nagregalo bilang simbolo ng “pagbili” sa regalong sapatos at ma-”revise” ang malas. 

Naniniwala man sa mga pamahiin na ito o hindi, mahalagang tandaan na hindi lang mga nakagawiang paniniwala ang magdidikta ng magiging estado ng love life. 

Mahalaga ring timbangin ang kahandaan at maturity ng puso, isip, at maging ng ipon at panggastos, dahil ang layon dapat ng isang relasyon ay ang pangmatagalang pagsasama sa buhay. 

Sean Antonio/BALITA