Inamin ni singer-songwriter at The X Factor Philippines Season 1 grand winner KZ Tandingan na hindi pa raw siya handang akuin ang responsibilidad bilang ina.
Sa concert nina KZ at TJ Monterde na “In Between” kamakailan, sinabi KZ na gusto raw niyang maging ina dahil ginusto niya at hindi dahil sa anomang pressure.
“I want to become a mother because I want to become a mother. Hindi ko gugustuhin maging nanay para may mag-aalaga sa akin 'pag tumanda ako. Hindi ko gugustuhin maging nanay kasi na-pressure ako na maging nanay," saad ni KZ.
Sinang-ayunan naman ni TJ ang sinabing ito ng misis niya at naghayag pa nga ng suporta.
Kaya naman sa panayam ng media matapos ang concert, nagpasalamat si KZ sa pagkakaroon ng maunawaing asawa.
Aniya, “Ang pressure ng pagiging parent, ang bigat-bigat sa nanay, e. Kumbaga, you’re not just carrying a child, you’re changing yourself.”
“Kahit napanganak mo na 'yong bata, you are completely changed as a person — physically, spiritually, and mentally,” dugtong pa ni KZ.
Matatandaang isang dekada nang magkarelasyon sina KZ at TJ. Ikinasal sila noong kasagsagan ng pandemya noong Agosto 2020 sa San Benito, Batangas.
Kaugnay na Balita: TJ Monterde, umaasa lang dati kay KZ Tandingan