February 11, 2026

Home SHOWBIZ

'Aging is a privilege!' Sharon Cuneta todo-flex sa senior citizen card niya

'Aging is a privilege!' Sharon Cuneta todo-flex sa senior citizen card niya
Photo courtesy: Sharon Cuneta (IG)

Ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta na nakuha na niya ang kaniyang senior citizen card at masayang sinabing isang pribilehiyo ang proseso ng aging o pagkakaedad.

Sa Instagram post ni Shawie nitong Miyerkules, Pebrero 11, makikitang ang date issued ng nabanggit na senior citizen card ay noon pang Enero 2026.

"Heto na siya!!! (Siempre inalis ko ibang info, pero ito na Senior Card ko!!!) Hahahaha!!! Yahooo!!!!" masayang saad sa caption ni Sharon.

"AGING, MY FRIENDS, IS A PRIVILEGE!!! Thank You, Lord!" aniya pa.

Fun fact ni Karen De Guzman: 'I was really named after Ms. Karen Davila!'

Samantala, umani naman ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang plakadong 1x1 picture ni Mega.

"grabe naman ang face card ng mama na ‘yan, senior na ba ‘yan siya talaga??? i ,love u!"

"apaka ganda naman señior nyan"

"Dami na privileged at discount… Who would ever say the mega star is now …60? Hindi kita sa aura!"

"The 1x1 pic is screaming: 'Bibigyan mo ba ako ng discount o ihahampas ko sayo tong maleta?!'"

"Aging like fine wine, Mama! Mas blooming, mas glowing!"

Ang senior citizen card sa Pilipinas, alinsunod sa Republic Act (RA) 9994, ay nagbibigay ng 20% discount at Value-Added Tax (VAT) exemption sa mga gamot, konsultasyon, laboratoryo, pamasahe, kainan, hotel, sinehan, at libangan.

Kung gusto namang makakuha o mag-aaplay ng card, kailangang ang recipient ay 60 gulang pataas, Pilipinong mamamayan, at residente ng barangay kung saan mag-aaplay.

Magtungo lamang sa lokal na Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa munisipyo o barangay hall dala ang birth certificate/ID, 1x1 litrato, at barangay clearance. Ang pagkuha ng ID ay libre.