Natanggap na ng apat na katutubong Aeta sa Capas, Tarlac ang centenarian cash gift nilang nagkakahalaga ng ₱100,000.
Sa latest Facebook post ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) nitong Miyerkules, Pebrero 11, inanunsiyo nila na bukod sa cash gift, nagpaabot din umano si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marocs, Jr. ng felicitation letter.
“Kaya talagang maibigay ang nararapat na regalo para sa mga Pilipinong senior citizens kung magtutulungan tayo mula lokal hanggang nasyonal na pamahalaan,” saad ni NCSC Chairperson at CEO Atty. Ma. Merceditas N. Gutierrez.
Tiniyak naman ng komisyon na mas papabilisin pa raw nila ang pagpapamahagi ng cash gift puwede nang makapili ang mga grantee kung cash o sa pamamagitan ng bank transfer tatanggapin ang Expandend Centenarian Act (ECA) grant.
Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang nasabing mga Aeta dahil wala pa umano silang natatanggap na kahit ano mula noong umedad sila ng 100-anyos.
Ito ay dahil sa pagiging overage umano ng mga katutubo. Ngunit paglilinaw ng NCSC, noong Pebrero 6, 2026 pa lang nila natanggap ang aplikasyon at endorsement letter ng mga ito.
Maki-Balita: ₱100K na hindi pa rin natatanggap ng mga Aeta na mahigit 100-anyos na, pinoproseso na ng NCSC