Ipinagdiinan nina Sen. Bong Go at Sen. Robin Padilla ang kanilang pagiging solidong miyembro ng Duterte bloc sa Senado.
Sa isang Facebook post ni Go noong Lunes, Pebrero 9, itinanggi niya ang umuugong na usap-usapan na isa sa kanilang hanay ay lilipat sa Senate majority bloc.
Aniya, hindi umano niya ipagpapalit ang kaniyang prinsipyo para makasama ang iilan na kasalungat niya ang paniniwala.
“Duterte bloc kami. Kayo na lang sumama,” panawagan ng dalawang senador.
Matatandaang muling lumutang kamakailan ang haka-haka tungkol sa tangkang kudeta sa Senado.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, si Sen. Imee Marcos umano ang nasa likod nito, bagay na pinabulaanan ng huli.
“Gusto ko lamang pabulaanan ang kumakalat na pahayag na ako ang kumumpas sa balasahan sa Senado—hindi ako,” saad ni Sen. Imee.
Maki-Balita: Sen. Imee, pinabulaanang siya ang promotor ng kudeta sa Senado