Usap-usapan si BINI member Gwen Apuli at ang boylet na katabi niyang si VXON Patrick Rocamora sa “In Between” concert ng singer couple na sina KZ Tandingan at TJ Monterde.
Sa isang Facebook post ng Kapamilya Online World nitong Martes, Pebrero 10, makikita ang comic strip pubmat kung saan makikita ang pagbati ni KZ sa katabi ni BINI Gwen.
“May katabi si BINI Gwen, o. Ang pogi," sabi ni KZ.
Segunda naman ni TJ, "VXON Patrick."
"Hoy VXON Patrick," tawag ni KZ habang nasa entablado, "Ang ganda ng katabi mo."
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Parang sya na ang makakasira sa bini kasi mabubuntis."
"Hala kala ko c Mackenyu Yung boy at first"
"Lubog naba ang hambebe?"
"Ok lang yan matino yan si patrick at sobrang supportive nila sa isat isa. Pero yung ibang bini nako wag na nila subukan ilantad yung mga jowa nilang sigbin at sobrang red flag. Nakakahiya lang sila"
"how about bebe Shenna "
"Aba lumalovelife na din ang HamBebe Bini Gwen na yan... "
"Ayyy bagay. Parehas matino"
Samantala, bukod kay VXON Patrick, kasama rin ni BINI Gwen si BINI Colet Vergara na nanood sa concert nina TJ at KZ.