May 22, 2026

Home BALITA National

Sen. Pia, binanatan si Sen. Ping; Sen. Bato, pinasakay raw sa kotse pa-Senado?

Sen. Pia, binanatan si Sen. Ping; Sen. Bato, pinasakay raw sa kotse pa-Senado?
Photo courtesy: Senate of the Philippines (YT)

Hindi napigilan ni Sen. Pia Cayetano na ilabas ang kaniyang hinaing kaugnay sa naging pagtuturo sa kaniya ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson bilang nagpasakay daw sa kaniyang kotse kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa para makapasok sa Senado noong Lunes, Mayo 11, 2026. 

Matatandaang inihayag ni Sen. Ping sa naging panayam sa kaniya ng isang radio station noong Martes, Mayo 12, na dalawa lang sa mga kasamahan nilang senador ang nakakaalam sa pagdalo ni Sen. Bato. 

“Ang pagkakaalam ko, at the very least, dalawa lang ang nakakaalam tungkol kay Sen. Bato na darating. Ang alam ko nakasakay si Bato sa sasakyan ni Sen. Pia,” saad ni Sen. Ping.

Dagdag pa niya, “Walang nakakaalam sa amin. Probably, even sa bagong majority, hindi lahat sila alam na dadating si Bato. Security consideration ni Senate President Alan Peter Cayetano.” 

Ayon naman sa naging tugon ni Sen. Pia sa kaniyang privilege speech sa isinagawa nilang sesyon sa Senado nitong Huwebes, Mayo 13, sinabi niyang wala naman daw problema sa kaniya kung humingi ng apology si Sen. Ping.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Tinatanggap ko po ‘yong apology ni Sen. Lacson. Wala pong problema sa akin ‘yon,” pagsisimula niya.

Pakiusap niya lang, mag-ingat naman daw ang mga kapuwa niya senador sa paglalabas ng kanilang mga statement. 

“Giit naman nya, “Kaya lang po, ako’y nakikiusap sa lahat ng kasamahan natin na mag-ingat naman tayo sa statements. These are very troubling times. Everybody is so sensitive,” aniya. 

Buwelta ni Sen. Pia, tila raw mali na ang lahat ng ginagawa ng kagalit ng isang senador habang tama naman ang tingin nito sa lahat ng ginagawa ng kaniyang mga kakampi.

“Kung sino ‘yong kakampi mo, lahat na ng ginawa niya tama. Kung sino ‘yong kagalit mo, lahat na lang ng ginawa niya mali,” patutsada niya. 

Diin pa niya, “Why would you make a statement that would arouse an angry feeling or question about my credibility or about anything that would create any negative implication in your fellow senator.” 

Pagpapatuloy ni Sen. Pia, huwag naman daw sanang kagaya lagi ng nagawa ni Sen. Ping ang ginagawa ng mga katulad nilang senador.

“Sana po huwag ganoon. ‘Yon lang ang sasabihin ko, sana walang ganoon. Kasi kung wala naman intensyon, e ‘di huwag na lang sabihin, ‘di ba?” pagtatapos pa niya. 

Matapos nito, personal namang inamin ni Senate President Alan Peter Cayetano siya ang nagpasakay kay Sen. Bato para makadalo sa plenaryo sa Senado noong Lunes.