May 14, 2026

Home BALITA

Good news! Meralco, may tapyas-singil ngayong Mayo

Good news! Meralco, may tapyas-singil ngayong Mayo

Magandang Balita dahil magpapatupad ng tapyas sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Mayo.

Sa abiso nitong Miyerkules, inianunsiyo ng Meralco ang P0.0151 per kilowatt-hour (kWh) na bawas sa kanilang household electricity rate ngayong buwan, sanhi upang bumaba ito sa P14.3345 kada kilowatt hour (kWh) na lamang, mula sa dating P14.3496 kada kWh noong Abril. 

Ayon sa Meralco, ang downward adjustment ay nangangahulugan ng P3.02 na bawas sa bayarin ng mga tahanang nakakagamit ng 200 kWh kada buwan. 

Ipinaliwanag ni Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe Zaldarriaga na sa kabila ng inisyal na indikasyon ng pagtataas ng singil sa kuryente ngayong buwan ay nakapagpatupad sila ng maliit na tapyas sa bayarin ng mga consumers bunsod na rin ng proactive measures na ipinairal ng Energy Regulatory Commission (ERC).

“Despite initial indications of an increase, Meralco power rates this May had a modest reduction. This was achieved through the proactive efforts led by the Energy Regulatory Commission (ERC) to cushion the impact of potentially high rates as a result of the geopolitical tensions that ultimately affect energy prices,” ani Zaldarriaga. “While our customers stand to benefit from relatively stable rates this May, we would like to advise our customers that the bills that they will receive may still go up depending on their actual consumption, which usually increases during the summer months.”

Misis ng nahuling NBI volunteer, nanindigang walang kasalanan ang asawa

Nabatid na kabilang sa mga naturang hakbang na inaprubahan ng ERC ay ang acceleration o pagpapabilis sa isinasagawang refund na nagpataas sa refund rate para sa residential customers ng P0.2254 kada kWh hanggang P0.4278 mula sa dating P0.2024 kada kWh, ay naging sanhi upang ma-offset ang increase sa generation charge.

Matatandaang una nang inatasan ng ERC ang Meralco na pabilisin ang refund sa natitira pang P14.2 bilyong sa loob ng 12 buwan na lamang, sa halip na na dalawang taon pa.

Sinabi pa ng Meralco na bumaba rin ang taxes at iba pang bayarin sa net na P0.1482 kada kWh ngayong buwan, kasunod ng suspensiyon ng koleksiyon ng P0.0371 kada kWh Green Energy Auction Allowance (GEA-All) mula Mayo hanggang Hunyo 2026.

 Inaasahang makikinabang rin naman ang mga electricity consumers sa implementasyon ng value-added tax (VAT) exemption para sa power generated na gumagamit ng indigenous natural gas.

Nakatulong din naman sa pagbaba ng overall electricity rate ang transmission charge, na nabawasan ng P0.0493 kada kWh para sa residential customers.

Sa kabilang dako, nabatid na ang mas mataas na Wholesale Electricity Spot Market (WESM) charges, presyo ng petrolyo at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar ang itinuturong naging dahilan nang pagtaas ng generation charge ng hanggang P8.7942 kada kWh mula sa dating P8.3864 kada kWh.