February 09, 2026

Home BALITA National

Sen. Marcoleta, naglatag muna ng kondisyon bago pumuntang KIG

Sen. Marcoleta, naglatag muna ng kondisyon bago pumuntang KIG
Photo Courtesy: Rodante Marcoleta (FB), PCG via MB

Sumagot na si Sen. Rodante Marcoleta sa hamon ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Jay Tarriela na pinapapunta siya sa Kalayaan Island Group (KIG).

Sa panayam ng media kay Marcoleta nitong Lunes, Pebrero 9, humingi muna siya ng kondisyon bago siya dumayo sa nasabing isla.

“Mas mabuting gawin bago 'yon, pakisabi n'yo kay Commodore Tarriela kasama si Justice [Antonio] Carpio and [Professor Joy Batongbacal], magkita-kita muna kami para sa isang friendly debate bago kami magpunta doon,” saad ni Sen. Marcoleta.

Samantala, malugod naman itong tinanggap ni Tarriela bagama’t ikinatwiran niyang hindi umano subjects for public debate ang territorial integrity ng Pilipinas at ang legal entitlement nito sa West Philippine Sea (WPS).

National

'I remain willing! Sen. Risa, nananatiling bukas tumakbong Pangulo sa Halalan 2028!

Aniya, “I believe that Justice Antonio Carpio, Professor Jay Batongbacal, and any Filipino who fully understands our strong legal position will likewise refuse to participate in such a debate.”

“For us, this is not a debatable proposition; it is a matter of settled law, national interest, and patriotic duty,” dugtong pa ng PCG spokesperson.

Matatandaang nag-ugat ang hamong ito ni Tarriela kay Macoleta matapos ang kontrobersiyal nitong pahayag na isuko na lang ang KIG dahil hindi naman umano ito saklaw ng Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas.

Maki-Balita: ‘He does not have to worry!’ Tarriela, pinapapunta si Marcoleta sa KIG

Ngunit nilinaw naman kalaunan ng senador na hindi raw niya sinabi ang naturang pahayag. 

 Maki-Balita: 'Di ko sinabing ipamigay!' Sen. Marcoleta, mariing itinanggi suhestiyong isuko KIG