Naglabas ng pahayag ang Intramuros Administration (IA) kaugnay sa kinasangkutang insidete ng mga gwardiya ng kanilang external service provider.
Sa latest Facebook post ng IA nitong Lunes, Pebrero 9, iginiit nila ang pagpapatupad ng zero-tolerance policy laban sa anomang karahasan, maling asal, o kawalan ng propesyunalismo.
“Agad na naglunsad ang IA ng imbestigasyon upang tukuyin ang mga detalye ng insidente. Kaakibat nito, iniutos na ang agarang pagtatanggal sa puwesto ng mga nasabing security personnel,” saad ng ahensya.
Dagdag pa niya, “Magpapataw ang IA ng mga kaukulang kaparusahan laban sa JSL Security Group alinsunod sa tuntunin at kondisyon ng kanilang kontrata, kabilang ang posibleng blacklisting.”
Sa huli, tiniyak ng IA na mananatili umano ang kanilang matatag na tindig para sa isang ligtas, maayos, at mapayapaang kapaligiran para sa lahat ng bisita at stakeholders ng Intramuros.
Matatandaang nauna nang ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.
Maki-Balita: Mayor Isko Moreno, paiimbestigahan 2 gwardiyang nambugbog sa Intramuros