February 09, 2026

Home FEATURES Human-Interest

#BalitaExclusives: 'Hindi mo gugustuhing amuyin!' Labahing damit, ginawang bouquet!

#BalitaExclusives: 'Hindi mo gugustuhing amuyin!' Labahing damit, ginawang bouquet!
Courtesy: Lalaine Palaypayon Revellosa

'ANG BOUQUET NA HINDI MO GUGUSTUHING AMUYIN!'

Tuwing Valentine's Day, nakatatanggap ng bouquet of flowers ang mga kababaihan, minsan may kalalakihan din, at inaamoy ito.

Pero sa pagkakataong ito, what if ang matanggap mo ay isang bouquet ng labahing damit? Aamuyin mo pa kaya?

Sa isang Facebook group na "Home Buddies," nagkasa ng challenge ang group admin ng "bouquet challenge." Ito ang challenge na susubok sa creativity ng mga member kung saan ia-upload nila ang mga kaya nilang gawing bouquet bukod sa mga totoong bulaklak.

Human-Interest

ALAMIN: Iba’t ibang sex positions para tumagal sa kama

Isa sa mga kumasa si Lalaine Palaypayon Revellosa, 38-anyos, isang office staff, at may dalawang anak.

"Dahil weekends na, laba time na... Pero bago pa man sila maisalang sa washing, magamit man lang sa challenge... Kung meron man gumawa na ng panglaba bouquet... Eto labahin bouquet naman," sey niya sa caption ng post.

Dagdag pa niya, "Ang bouquet na di mo gugustuhing amuyin."

screenshot: Home Buddies/Facebook

Sa eksklusibong panayam niya sa Balita, ikinuwento niya muli kung paano niya naisip ang idea na gawing bouquet ang labahing damit nila ng mga anak niya.

"May mga nakita na po kasi ako panglaba 'yong ginamit nila for bouquet, sabi ko parang wala pang gumagamit ng labahin. So, 'yon po naisip ko since timing naman na maglalaba rin po that time," kuwento ni Revellosa.

"Medyo witty lang sa part na ito 'yong bouquet na hindi pwede amuyin kasi nga labahin," sey pa niya.

At ang latest update sa bouquet, nalabhan na raw niya.