Pinangunahan ng grupo ng kaparian, mga madre at Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagsasampa ng ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, nitong Lunes, Pebrero 9, 2026.
Si Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang nag-endorso ng naturang reklamo na tinatayang may 98 pahina na isinumite sa House Secretary General.
Bitbit ng grupo ang mga reklamong culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, plunder, malversation, bribery, graft at corruption laban kay VP Sara.
Matatandaang noong Pebrero 2 nang unang inihain ng Makabayan Bloc ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay VP Sara matapos ang one year ban. Nasundan naman ito ng paghahain ng civic society ng ikalawang impeachment complaint sa kapareho ring araw.
KAUGNAY NA BALITA: 'Round 2!' Makabayan bloc, naghain ng impeachment complaint vs VP Sara
KAUGNAY NA BALITA: Banat ni Rep. De Lima sa bagong impeachment case kay VP Sara: 'It's about time na panagutin na!'
Habang noong Biyernes, Pebrero 6 nang kumpirmahin ni House Secretary General Cheloy Garafil na tuluyan niya nang nai-transmit sa Office of the House Speaker ang unang dalawang impeachment case laban kay VP Sara.
KAUGNAY NA BALITA: Uusad kaya? Impeachment complaints kay VP Sara, isinumite nasa Office of the House Speaker
Kaugnay nito, nauna nang maglabas ng pahayag si VP Sara at tahasang pinalagan ang mga akusasyong muling ibinabato sa kaniya.
“Hindi na ito bago. Matatandaan na ang impeachment laban sa akin ang naging sagot nila sa aking pag-alis sa Gabinete—isang hakbang na isinagawa dahil hindi na maipaliwanag ng Pangulo ang patuloy na pagkalugmok ng bayan sa kahirapan dulot ng kanyang kapabayaan at bisyo,” ani VP Sara.
KAUGNAY NA BALITA: 'Di na ito bago!' VP Sara, umalma sa bagong impeachment complaint sa kaniya