April 21, 2026

Home BALITA Politics

Banat ni Rep. De Lima sa bagong impeachment case kay VP Sara: 'It's about time na panagutin na!'

Banat ni Rep. De Lima sa bagong impeachment case kay VP Sara: 'It's about time na panagutin na!'

Pinanindigan ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima na nasa oras na raw upang mapanagot si Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng panibagong impeachment case.

Sa panayam sa kanila ng media nitong Lunes, Pebrero 1, 2026, inihayag ni De Lima na kabilang sa mga naghain ng ikalawang bagong impeachment case laban kay VP Sara ay pawang mga naghain na rin ng mga nasabing reklamo noong 2024.

“Complainants of this impeachment complaint are also the complainants of the first impeachment complaint, filed noong December 2, 2024,” ani De Lima.

Saad pa niya, “It's about time na panagutin na si VP Sara.”

Dumipensa rin si De Lima hinggil sa naging desisyon ng Supreme Court (SC) na ideklarang unconstitutional ang ikaapat na impeachment case kay VP Sara na inihain noong Pebrero 2025.

Politics

Majority bloc, pinulong ni SP Sotto sa posibilidad na pag-akyat ng impeachment ni VP Sara sa Senado

“At matatandaan po natin na as mentioned already ay yung pag-dismissed ng impeachment complaint o yung pag-declare as unconstitutional noong impeachment process ay on technicality lang or procedural grounds. Wala pa tayo sa substantive,” anang mambabatas.

Nitong Lunes, magkasunod na ibinala ng Makabayan Bloc at grupo nina De Lima kabilang ang ilang indibidwal sa civil society groups, ang mga bagong impeachment case laban kay VP Sara.

Kabilang sa mga grounds na idiniin laban sa bIse Presidente ay ang betrayal of public trust ang isyu ng maanomalyang paggamit umano niya ng confidential funds bilang kalihim noon ng Department of Education (DepEd).

Inirerekomendang balita