February 08, 2026

Home SHOWBIZ

Resto ni Matteo Guidicelli, inararo ng sasakyan!

Resto ni Matteo Guidicelli, inararo ng sasakyan!
Photo courtesy: Matteo Guidicelli (FB)

Isang sasakyan ang bumangga sa al fresco area ng Da Gianni Cucina Italiana-Westgate Molito, pagmamay-aring restaurant ng aktor, TV host, at negosyanteng si Matteo Guidicelli nitong araw ng Linggo, Pebrero 8.

Ayon kay Matteo, sa kaniyang Instagram post, mabuti na lamang daw at walang guests na nasaktan sa insidente dahil nakaalis na ang lahat bandang 1:30 ng hapon, kaya’t wala nang tao sa naturang bahagi ng restaurant nang mangyari ang aksidente.

Gayunman, dalawang miyembro ng staff ang nasa loob ng establisimyento, partikular sa bahagi ng pizza oven, at agad na dinala sa ospital para sa medical check-up. Tiniyak niyang wala umanong malubhang pinsalang tinamo ang mga empleyado at sila ay kasalukuyang inaalagaan.

Nilinaw rin ng aktor na ang pinsala ay limitado lamang sa panlabas na bahagi ng restaurant. Patuloy namang bukas ang indoor dining area, habang pansamantalang isinara ang al fresco section upang matiyak ang kaligtasan ng lahat at maisagawa ang kinakailangang pagkukumpuni.

Blind Item

Aktres nag-flex na buntis pero fake pala; para lang makaganti sa isang aktor?

Sa kaniyang mensahe, nagbigay rin ng paalala si Matteo sa publiko na manatiling alerto sa lahat ng oras.

"This serves as a reminder to all of us! No matter where you are, always stay alert. 'Watch your six!' Awareness and prevention are essential. You never know what situation you might find yourself in, so be careful, be ready, and always be aware," aniya.

Nagpasalamat din si Matteo sa Diyos sa umano’y proteksiyong ipinagkaloob sa kaniyang team sa gitna ng insidente.

"Above all, we thank the Lord. He truly kept my team safe today. By His grace, we are protected, healthy, and able to move forward. To God be the glory," aniya.

Tinapos ng aktor ang kaniyang pahayag sa pasasalamat sa mga nagpaabot ng dasal at malasakit, kasabay ng panawagang mag-ingat at manatiling ligtas ang lahat.

Hindi naman idinetalye ni Matteo kung papanagutin ba niya ang driver ng sasakyan, at kung ano ang dahilan kung bakit ito bumangga sa kaniyang restaurant.