Ibinahagi ni beauty queen-actress Kylie Verzosa ang engagement ring na mula sa non-showbiz boyfriend niya matapos nitong mag-propose.
Sa latest Instagram post ni Kylie noong Sabado, Pebrero 7, makikita ang serye ng mga larawan sa bawat moment nila ng kaniyang boyfriend.
“YES A MILLION TIMES OVER ” saad ni Kylie sa caption.
Dagdag pa niya, “I learned that love is not a whirlwind but a steady calmness, growth, and unwavering support, 3 years with you have been absolutely the best ily xx.”
Umani tuloy ng pagbati mula sa mga kapuwa niya celebrity ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
Heart Evangelista: "Congrats "
Megan Young: "Congratulations Ky!!!!!!"
Max Collins: "Congratulations Kylie! "
Bela Padilla: "Congratulations!!! "
Iza Calzado: "Best wishes!!! So happy for you!!!! "
Kim Atienza: "Congrats pamangkin "
Matatandaang Disyembre 2023 pa nang aminin ni Kylie sa isang panayam na may dine-date daw siyang non-showbiz at noon ngang Hunyo 2024 ay sinoft launch niya ang misteryosong lalaki.
MAKI-BALITA: Kylie Verzosa, umaming may ka-date na Afam
MAKI-BALITA: Kylie Verzosa, may pa-soft launch sa jowang afam