Tila unti-unti nang ipinakikilala ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa ang kaniyang foreigner boyfriend matapos niyang i-post sa Instagram ang mga larawan nilang magkasama.

Ngunit wala pa ring "face reveal" at misteryo pa rin ang hitsura nito dahil puro likod lang nito ang makikita. Batay sa lokasyon, sila ay nasa St Tropez sa France.

Walang ibang caption dito kundi isang white heart emoji.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

"Truly the best boyfriend!"

"Mukhang upgrade ito ah haha."

"Happy for you Queen, you deserve the best!"

"Yong looks pa lng ng lalaki pra sa akin ang pogi😁🥰at responsable😍."

Ang huling nakarelasyon ni Kylie ay si Kapamilya actor Jake Cuenca. Ayon sa kanilang dalawa, mutual decision ang kanilang paghihiwalay at wala naman daw bad blood sa isa't isa.

Malay natin, sa mga susunod na araw ay may pa-face reveal na rin si afam na boyfie, abang-abang na lang!