February 08, 2026

Home SHOWBIZ

Ashley Ortega, Faith Da Silva ‘nagkawarla’ dahil sa boylet

Ashley Ortega, Faith Da Silva ‘nagkawarla’ dahil sa boylet
Photo Courtesy: Ashley Ortega, Faith Da Silva (FB), Pexels

Ibinuking ni Ashley Ortega na nagkaroon umano sila ng alitan ng kapuwa niya Kapuso Sparkle artist na si Faith Da Silva.

Sa latest episode ng vodcast na “Your Honor” noong Sabado, Pebrero 7, hindi nag-alinlangan si Ashley na pangalanan ang celebrity na nakaaway niya matapos maurirat hinggil dito.

Aniya, “Hindi naman actually away na malala. Actually, sasabihin ko ‘yong pangalan niya…kasi napag-usapan na rin namin. Okay na rin kami ngayon. Si Faith Da Silva.”

“Alam mo, sobrang love ko ‘yan si Faith. Kasi no’ng mga bagets kami, no’ng teenage days talaga. Kaya lang naman nagkaroon ng beef kasi ‘yong ex ko parang naka-date niya,” dugtong pa ni Ashley.

Chito Miranda, ibinida katawan ng singkwentahin

Dahil dito, tila hindi raw nasunod ni Faith ang girl code, na ang pangunahing principle ay huwag papatulan ang dating karelasyon ng kaibigan.

“Tapos parang I think after four years, nagkasama kami sa workshop. Siya 'yong lumapit sa akin. Tapos sabi niya, 'Ash, sorry sa mga nangyari before.' Kasi hindi kami nagpapansinan no'n after that happened, e,” lahad ni Ashley. 

Ngunit paglilinaw niya, hindi naman daw dumating sa puntong nag-away sila. Sadyang tila may wall lang daw na namamagitan sa kanila noong mga panahong iyon.

Samantala, hindi naman binanggit ni Ashley kung sino ang ex-boyfriend niya na naka-date ni Faith. 

Pero matatandaang bago niya maging karelasyon ngayon si Mavy Legaspi, naging boyfriend niya sina Lucena City Mayor Mark Alcala at Kapuso actor Juancho Trivino, na aniya’y first love at first boyfriend niya.

Maki-Balita: Ashley Ortega sa breakup nila ni Mark Alcala: 'Ayaw namin ipilit sa isa't isa if we know that it won't work'

Maki-Balita: Ashley Ortega, inispluk na first love at first boyfriend niya si Juancho Trivino