Nagbigay ng kasagutan si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga kaugnay sa tanong kung namimiss ba niya ang pagiging host ng Pinoy Big Brother (PBB).
Sa latest episode kasi ng “Luis Listens” kamakailan, nahagip sa usapan ang nasabing reality show.
“Ano ang pinaka-namimiss mo sa PBB?” usisa ni Luis Manzano.
“[Sina] Mariel, Bianca, everyone,” sagot ni Toni.
Dagdag pa niya, “But, you know, kapag tinatanong 'yang miss, parang ganito 'yan, e. Tatanungin kita, nami-miss mo ba ang mga ex mo? Bago ko sagutin 'yan, nami-miss mo ba?"
Nagpigil muna ng tawa si Luis bago nakuhang sumagot sa tanong ng kaniyang guest.
“Alam mo, may uuwian akong pamilya,” biro niya.
Kaya paliwanag ni Toni, “‘Yon ang sinasabi ko. When you ask that question, hindi mo siya masasagot na 'A, namimiss ko 'yong ganoon,' because that was a season in a time of your life.”
“That when you look back, you are happy. You gave it your all, you gave your best, you gave your 100%. So you look at that season with no regrets and you look at that season na parang naibigay mo na lahat,” dugtong pa niya.
Matatandaang iniwan ni Toni ang PBB noong Pebrero 2022 sa gitna ng kontrobersiya tungkol sa pagsuporta niya umano sa mambabatas na pumabor na ipasara ang ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng mahabang panahon.
Gayunman, grateful umano si Toni sa 17 taon niyang pamamalagi sa PBB dahil marami raw siyang mga bagay na natutuhan mula rito.
Kaugnay na Balita: Toni Gonzaga, pinababalik na sa PBB: 'Miss ka na namin!'