February 06, 2026

Home BALITA Politics

'I have no reaction!' PBBM, dedma sa impeachment complaints ni VP Sara

'I have no reaction!' PBBM, dedma sa impeachment complaints ni VP Sara
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Tikom ang bibig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., hinggil sa tuluyang pag-transmit ng impeachment complaints ni Vice President Sara Duterte sa Office of the House Speaker.

Sa ambush interview ng media kay PBBM nitong Biyernes, Pebrero 6, 2026, iginiit ng Pangulo na wala raw siyang reaksiyon sa mga aksyon ng House Secretary General sa mga bagong reklamong inihain laban kay VP Sara.

"I have no reaction. Hindi ko trabaho 'yan. Trabaho ng House ['yan.]. Pabayaan mo silang magtrabaho. I'm sure they will handle it properly. Let's let them do their job," anang Pangulo.

Nitong Biyernes din nang kumpirmahin ni House Secretary General Cheloy Garafil na naisumite na niya ang dalawang impeachment complaints ni VP Sara sa opisina ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy.

Politics

'I am being briefed!' SP Sotto, naghahanda sa posibleng pagratsada ng impeachment ni VP Sara

“Upon receipt and verification of the complaints and their accompanying endorsements, the Office of the Secretary General forwarded the documents to the Office of the House Speaker,” saad ni Garafil.

Ang dalawang impeachment complaints ng Pangalawang Pangulo ay inihain noong Lunes, Pebrero 2, na mula pa rin sa Makabayan Bloc at civil society.

KAUGNAY NA BALITA: 'Round 2!' Makabayan bloc, naghain ng impeachment complaint vs VP Sara

KAUGNAY NA BALITA: Banat ni Rep. De Lima sa bagong impeachment case kay VP Sara: 'It's about time na panagutin na!'

Matatandaang kapuwa sabay na naharap sa tig-dalawang impeachment complaints sina PBBM at VP Sara kung saan nauna nang naisalang sa House Committee on Justice ang mga reklamo laban sa Pangulo na parehong napagbotohang “insufficient in substance.”

Nakakuha ng botong 42-1-3 ang unang impeachment complaint na inihain ni Atty. Andre De Jesus habang 7-39-0 naman ang nakuhang boto ng reklamong inihain ng Makabayan Bloc.

KAUGNAY NA BALITA: 'Insufficient in substance!' Impeachment complaints kay PBBM, dedo sa Kamara

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang Kamara kung maisasama na sa agenda ang impeahcment complaints ni VP Sara at kung kailan ito maisasalang sa Committee on Justice.