February 06, 2026

Home BALITA

'Basyang,' humina; wind signal no. 2, inalis na

'Basyang,' humina; wind signal no. 2, inalis na
DOST-PAGASA

Mula tropical storm, isa na lamang tropical depression o mahinang bagyo ang Bagyong "Basyang," ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Pebrero 6.

Ayon sa weather bureau, humina ang bagyo nang tawirin nito ang CARAGA region simula kagabi (Huwebes, Peb. 5) hanggang kaninang umaga. 

Nag-landfall ang bagyo bandang 11:50 PM sa Bayabas, Surigao del Sur.

As of 10:00 AM, huling namataan ang bagyo sa katubigan ng Anda, Bohol na may taglay na hangin na 55 kilometers per hour at pagbugsong 70 kilometers per hour.

Probinsya

10.4°C, naitalang pinakamababang temperatura sa Benguet ngayong 2026

Bagama't humina na ang bagyo, patuloy pa rin makararanas na malakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng Visayas. 

Sa latest track naman ng PAGASA, mapapaaga ang mas paghina pa ng bagyong Basyang bilang low pressure area sa loob ng 48 oras. 

Samantala, tropical wind signal no. 1 na lamang ang nakataas na ilang lugar sa bansa. 

Southern portion ng Occidental Mindoro
Southern portion ng Oriental Mindoro
Romblon
Northern Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands
Southern portion ng Masbate
Southern portion ng Eastern Samar
Southern portion ng Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte

Bohol
Cebu
Siquijor
Negros Oriental
Negros Occidental
Guimaras
Iloilo
Capiz
Aklan 
Antique
Dinagat Islands
Surigao del Norte
Northern portion ng Surigao del Sur
Agusan del Norte
Northern at central portion ng Agusan del Sur

Camiguin
Misamis Oriental
Northern portion ng Misamis Occidental
Northern at central portion ng Bukidnon
Eastern portion ng Lanao del Norte
Northernmost portion ng Lanao del Sur
Eastern portion ng Zamboanga del Norte