February 05, 2026

Home BALITA Politics

Hanash ni Sen. Migz: Sen. Loren, future Senate President!

Hanash ni Sen. Migz: Sen. Loren, future Senate President!
Photo courtesy: via Senate of the Philippines/FB

Ipinahayag ni Sen. Migz Zubiri na posible umanong maging susunod na Senate President si Senator Loren Legarda matapos niya itong tawaging “Madam President” bago magtapos ang sesyon ng Senado nitong Martes, Pebrero 4, 2026.

Ayon kay Zubiri, nang tanungin kung bakit niya ginamit ang naturang titulo, sinabi nito, “She may be the future president of the Senate. We’ll see.”

Lumabas ang pahayag sa gitna ng mga usap-usapan hinggil sa umano’y pagkilos ng ilang senador na may kinalaman sa posibleng pagbabago sa pamunuan ng Senado

Ilang araw nang umiikot ang mga balitang may nagaganap na umano’y “coup” o pagtatangka ng ilang mambabatas na palitan ang kasalukuyang liderato ng mataas na kapulungan.

Politics

'Biro lang yun!' Umano'y term sharing ni SP Sotto at Sen. Loren, itinanggi ni Sen. Kiko

Samantala, nauna nang dumipsena si Senate President Vicente “Tito” Sotto III at iginiit na hindi umano naging matagumpay ang umugong na kudeta sa liderato ng Senado dahil sa pagkilos ng Senate Majority Bloc.

“It's the majority, not me,” ani Sotto.

KAUGNAY NA BALITA: ‘It was the majority!' Liderato ni SP Sotto sa Senado, napanatili pa rin ng mayorya?

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Sen. Legarda kaugnay sa isyung ito.

Itinanggi rin ni Sen. Kiko Pangilinan ang nakaambang posibilidad na term sharing sa pagitan nina Legarda at Sotto.

“Wala, biro lang yun,” saad ni Pangilinan.

KAUGNAY NA BALITA: 'Biro lang yun!' Umano'y term sharing ni SP Sotto at Sen. Loren, itinanggi ni Sen. Kiko