February 04, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Michelle Dee, kinasuhan ulit ng qualified theft ang driver ni Rhian Ramos

Michelle Dee, kinasuhan ulit ng qualified theft ang driver ni Rhian Ramos
Photo courtesy: Michelle Dee (FB)/Screenshot from 24 Oras (YT)

Muling nagtungo sa Makati Prosecutor's Office ang Kapuso actress at beauty queen na si Michelle Dee upang muling magsampa ng reklamong qualified theft laban sa dating driver ng kaibigan niyang si Rhian Ramos na binabansagan at itinatago sa pangalang alias Totoy.

Una nang naghain ng reklamo si Dee noong Enero 19, subalit ito ay naibasura ng tanggapan ng piskalya. Ayon sa paliwanag, kinailangang muling ihain ang kaso upang masunod ang tamang proseso, dahil hindi na umano maaaring idaan sa *inquest* ang naturang reklamo.

Ayon sa ulat ng GMA News, ipinaliwanag ng abogado ni Dee na si Atty. Maggie Garduque na ang naging isyu sa naunang resolusyon ng city prosecutor ay kung ang kaso ba ay saklaw ng inquest investigation.

Dahil dito, inirekomenda ng piskalya na dalhin ang usapin sa isang regular na preliminary investigation kung saan masusuri ang bigat ng ebidensiya at kung may sapat na batayan upang tuluyang sampahan ng kaso si alias Totoy.

Tsika at Intriga

Intro ni Vice Ganda sa gay pageant: 'Mula sa nag-iisang bansa, President, VP ini-impeach parehas, Pilipinas!'

Batay sa reklamo, nagsampa ng qualified theft si Dee matapos umanong kunin ng driver ang isang angpao na naglalaman ng sampung mahahalagang gamit nang hindi niya nalalaman.

Ayon kay Garduque, siyam sa mga nasabing items ay naibalik na sa tulong ng asawa mismo ng driver, subalit nananatiling nawawala ang isang huling gamit.

Samantala, nitong Martes, Pebrero 3, muling nagtungo si alias Totoy sa Makati Police Station kung saan siya unang dinala ni Dee. Inilahad ng driver ang alegasyong siya umano ay sinaktan ng mga pulis habang siya ay nasa kustodiya mula Enero 19 hanggang sa kaniyang paglaya noong Enero 22.

Kinasuhan ng driver sina Michelle, dating among si Rhian, at beauty queen na si Samantha Panlilio gayundin ang mga umano'y nakasama nila, ng torture at serious illegal detention.

Kaugnay na Balita: Driver ni Rhian tumalon sa 39th floor ng condo, napunta sa 25th floor dahil sa lubid!

Patuloy namang inaasahang susuriin ng piskalya ang mga ebidensiya at pahayag ng magkabilang panig sa ilalim ng regular na preliminary investigation upang matukoy ang susunod na hakbang sa kaso.

Kaugnay na Balita: Michelle Dee, kinasuhan ng qualified theft ang driver ng kaibigang si Rhian Ramos!

Kaugnay na Balita: Rhian Ramos, Michelle Dee inireklamo ng umano'y illegal detention; abogado, nagsalita!