Inaasahang papasok sa loob ng bansa ang isang tropical depression o mahinang bagyo, na kasalukuyang nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa weather bureau, as of 2:00 PM nitong Martes, Pebrero 3, 2026, ganap nang naging bagyo ang low pressure area (LPA),
Ito ay nasa layong 1,075 kilometers East of Northeastern Mindanao. Taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugsong 70 kilometers per hour.
May kabagalan ang pagkilos ng bagyo, ayon pa sa PAGASA.
Samantala, inaasahang papasok sa loob ng bansa ang naturang bagyo sa susunod na mga oras, at papangalanan itong "Basyang," ang unang bagyo ngayong Pebrero at ang ikalawa ngayong 2026.
Kaugnay na Balita: ALAMIN: Mga pangalan ng bagyo ngayong 2026