February 02, 2026

Home BALITA

Palasyo, nag-react nang ideklarang 'sufficient in form' ang 2 impeachment vs PBBM

Palasyo, nag-react nang ideklarang 'sufficient in form'  ang 2 impeachment vs PBBM
Courtesy: RTVM/YouTube screenshot, MB file photo

'THAT'S THE PROCESS. WE HAVE TO RESPECT THAT'

Nagbigay-reaksyon si Palace Press Officer Usec. Claire Castro matapos ideklara ng House Committee on Justice na parehong "sufficient in form" ang dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..

"That's the process. We have to respect that," saad ni Castro sa isang press briefing nitong Lunes, Pebrero 2, 2026.

"Even before sinabi na po ng Pangulo na alam niya na wala siyang ginawang mali, wala siyang giinawang paglabag sa batas, at wala siyang ginawang impeachable offense. Kaya kumpiyansa siya sa sarili niya," paliwanag pa ni Castro.

Politics

'Of course we want to be in the majority!' Sen. Alan, aminadong kulang pa boto para mapalitan liderato ng Senado

Matatandaang noong Enero 19 nang unang ihain ang kauna-unahang impeachment laban kay PBBM sa pangunguna ni Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay. 

KAUGNAY NA BALITA: Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!

Habang matapos naman ang dalawang attempt na maisumite sa House Secretary General, ay matagumpay naihain ng Makabayan Bloc ang ikalawa at huling impeachment laban kay PBBM.

Ito ang ikalawang pagkakataon na inihain ng Makabayan Bloc ang ikalawang impeachment complaint laban kay PBBM matapos hindi opisyal na tanggapin ng House Secretary General ang kanilang mga dokumento noong Enero 22.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Di nakakuha ng definite commitment!’ Makabayan Bloc, naipasa na 2nd impeachment complaint kay PBBM

At nitong Lunes, Pebrero 2, nang ideklara ng nabanggit na komite na "sufficient in form" ang dalawang impeachment complaint. 

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Abante, nag-walkout matapos ideklarang 'sufficient in form' ikalawang impeachment kay PBBM