Hindi na raw ikinagulat ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang mga bagong impeachment case na inihain laban sa kaniya, nitong Lunes, Pebrero 2, 2026.
Ayon sa abogado ni VP Sara na si Atty. Michael Poa, hindi na raw nila ikinagulat ang mga nakabalang impeachment case at nakahanda rin ang kanilang kampo na harapin ang mga ito.
"The filing of new impeachment complaints against the Vice President comes as no surprise," ani POA.
Saad pa niya, "We are prepared to confront these allegations squarely through the proper constitutional processes, confident that a fair and impartial review will demonstrate that the accusations are devoid of both factual and legal basis."
Matatandaang nitong Lunes, nang pangunahan ng Makabayan Bloc ang paghahain ng unang impeachment case laban kay VP Sara matapos ang one year-ban na idineklara noong 2026.
KAUGNAY NA BALITA: 'Round 2!' Makabayan bloc, naghain ng impeachment complaint vs VP Sara
Sinundan naman ito ng ikalawa pang impeachment complaint na inihain ng civil society organization kasama sina Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña at Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima.
Ayon kay De Lima, panahon na raw upang mapanagot si VP Sara.
"It's about time na panagutin na si VP Sara," ani De Lima.
KAUGNAY NA BALITA: Banat ni Rep. De Lima sa bagong impeachment case kay VP Sara: 'It's about time na panagutin na!'
Sa kasalukuyan, kapuwa nahaharap sa impeachment complaints sina VP Sara at Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.