January 31, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking 3 beses umanong ginahasa, ginilitan sariling rapist!

Lalaking 3 beses umanong ginahasa, ginilitan sariling rapist!

Nasawi ang isang lalaki matapos umanong gilitan sa leeg sa isang liblib na lugar sa Sto. Tomas, Isabela.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa Barangay Balelleng matapos umanong papuntahin ng biktima ang suspek sa nasabing lugar, kung saan doon na isinagawa ang naturang krimen.

Kinabukasan natagpuan ang bangkay ng biktima ng kaniyang kapatid, na agad humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Habang isinasagawa ang imbestigasyon sa lugar, kusa umanong lumapit ang suspek sa mga pulis at inamin ang pagkakasangkot sa krimen.

Probinsya

Misis na umano'y taksil, sinaksak ng mister habang natutulog!

 Ipinakita rin nito ang patalim na sinasabing ginamit sa pagpatay.

Ayon sa depensa ng suspek, napilitan umano siyang gawin ang krimen dahil tatlong beses na siyang ginahasa ng biktima.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Sto. Tomas Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong homicide.