Nagpaabot ng pasasalamat si dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes kay showbiz insider Ogie Diaz matapos nitong bweltahan si dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica.
Sa latest Facebook post ni Trillanes nitong Lunes, Enero 26, ibinahagi niya ang post ni Ogie kung saan mababasa ang sagot nito sa sinabi ni Belgica laban sa dating senador.
"My comment about Trillanes' credibility was made Oct. 2025. Ni rehash ni Ogie ngayon para mapag usapan ang bata nya. Ako ang ginamit. Dahil nagsampa sila Trillianes ng kaso kay Sara sa Omb -Walang pumansin. Huli ka boy, pero hindi kulong," saad ni Belgica
Kaugnay na Balita: Greco Belgica, tinira si Ogie Diaz: 'Stay in showbiz, gawin mo na lang artista si Trillanes!'
Dagdag pa niya, "Ogie stay in showbiz. Gawin mo nalang artista si Trillianes gawa kayo ng pelikula baka kumita kayo. Yaan mo na kaming mga lalaki dito sa gubyerno. Gawain ng tunay na lalaki ito,” dugtong pa niya.
Kaugnay na Balita: Banat ni Greco kay Ogie: 'Yaan mo na kaming mga lalaki dito sa gubyerno, gawain ng tunay na lalaki ito!'
Ngunit sagot naman ni Ogie, “Mr. Belgica, kung ni-rehash ko lang po ito, ang importante, confirmed na sinabi mo nung Oct. 2025, tama?"
"So ibig bang sabihin, nag-iba na ang impression mo kay Trillanes ngayong 2026? Credible na ba siya sa yo ngayon? O di mo lang matanggap na tama lahat ang mga hawak niyang ebidensiya?" dugtong pa ng showbiz insider.
Kaugnay na Balita: Trillanes, 'credible' na ba? Ogie Diaz rumesbak, sumagot sa tirada ni Greco Belgica
Sinagot din ni Ogie ang patutsada ni Belgica na gawain lang umano ng mga tunay na lalaki ang paggogobyerno.
"Saka, Ginoong Belgica,” pagpapatuloy niya, “‘wag mo lang i-limit sa mga tunay na lalaki ang dapat may kinalaman sa gobyerno — lahat ng mamamayang Pilipino. Bakla, tomboy, mukhang buwaya man yan o linta. Lahat. Dami mo ring supporters na bakla, so paano sila? Doon na lang sila sa parlor o sa dress shop, dahil pang-tunay na lalaki lang ang usaping gobyerno?"
Maki-Balita: Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno
Dahil dito, hindi napigilang magpasalamat ni Trillanes sa ginawa ni Ogie.
“ Salamat, Ogie,” anang dating senador.
Matatandaang nag-ugat ang lahat ng ito matapos ihayag ni Ogie ang suporta niya kay Trillanes.
Maki-Balita: Ogie Diaz, naniniwala kay Sonny Trillanes