January 25, 2026

Home BALITA Metro

Lalaking 'di nabigyan ng pera ng ina, tumalon sa ilog!

Lalaking 'di nabigyan ng pera ng ina, tumalon sa ilog!

Muntik nang masawi ang isang 22-anyos na delivery rider matapos umanong magtampo nang mapagalitan at hindi mabigyan ng pera ng kaniyang ina sa Valenzuela City.

Ayon sa ulat ng pulisya, sakay ng kaniyang motorsiklo ay nagtungo ang binata sa Polo Bridge sa M.H. Del Pilar, Barangay Poblacion bandang alas-8:30 ng umaga, kung saan siya tumalon sa malalim na ilog sa hangaring wakasan ang kanyang buhay.

Ilang mga testigo rin ang umano’y nakaktia sa akmang pagtalon ng lalaki sa ilog at humingi ng tulong kay P/Capt. Doddie Aguirre, hepe ng Polo Police Sub-Station 5, upang masagip ang biktima.

Rumesponde sa lugar sina P/SSg. Reileto Jasa at Pat. Keanu Colis, na nadatnan ang binata sa gilid ng ilog. Agad nila itong pinagtulungang i-ahon hanggang sa tuluyang mailigtas.

Metro

Buntis, nanganak sa tabi ng kalye!

Sinabi naman ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na nagbago ang isip ng binata nang sumayad ang kanyang katawan sa tubig. 

Dahil dito, nagpilit umano itong lumangoy patungo sa gilid ng ilog kung saan siya nakita at nasagip ng mga pulis at traffic enforcer.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa pamilya ng binata upang matiyak ang kaniyang kalagayan at mabigyan ng kinakailangang tulong.