Naging sentro ng diskusyon sa social media ang Facebook rant post ng aktor na si Janus Del Prado matapos niyang ibahagi ang umano’y pagma-mass report sa kaniyang social media page na nauwi sa pagk-hold ng monetization nito.
Sa naturang post, tila hayagang ipinahayag ni Del Prado ang kaniyang sama ng loob at alegasyon sa isang "malditang bagong kasal" na umano’y may kinalaman sa pagre-report sa kaniyang page.
“Maldita pala talaga tong si bagong kasal. Pina mass report yung page ko ngayon nakahold ang monetization," aniya.
Tila nagbigay rin ng mensahe si Del Prado sa husband o mister ng di-tinukoy na malditang bagong kasal.
"To your new husband. Ingat ka dyan sa napili mo. Remember that she dragged all her exes name into the mud. Wag na wag kang magkakamali."
"Hay. Yun lang napikon ka na? Over react much? Best wishes. Sana tumagal kayo kahit 6 months lang.”
Matapos naman umani ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizen, deleted na ang nabanggit na post subalit humirit pa rin si Janus.
"Ayan binura ko na. Bahala kayo sa buhay niyo ang bababaw niyo."
"Ano gusto niyong joke? Yung knock knock na lang para di tayo na mamass report at nadedemonetize."
"New Years Reso. Wag magbiro sa di mo ka humor. Move on na ko sa life. Bahala na kayo dyan. Good night!" aniya pa.
Kapag sinabing na-mass report ang isang social media page, ibig sabihin, sabay-sabay o maramihang nire-report ng maraming user ang nasabing page, post, o account sa platform (halimbawa, Facebook), kadalasan sa loob ng maikling panahon dahil sa isang content o contents.
Bagama't walang direktang binanggit na pangalan, espekulasyon ng mga netizen, ang tinutukoy ni Janus ay si Kapuso Goddess Carla Abellana.
Pinag-usapan kasi ng mga netizen ang ginawang biro ni Janus hinggil sa wedding cake ni Carla sa kasal nila ng non-showbiz fiance na si Dr. Reginald Santos.
Ibinahagi ni Janus ang isang larawan patungkol sa mahabang wedding cake ni Carla, noong Disyembre 29.
"Cake! Ba't mo kami iniwan! Huhu!" mababasa rito.
"Sisiw na lang kulang," dagdag na saad pa ni Janus.
"Yung CAKE ang inorder mo pero WAKE ang ibinigay," dugtong pa ni Janus, na tumutukoy sa hitsura ng cake na tila kakulay at kahugis ng isang kabaong sa wake o burol.
Isang netizen naman ang sumang-ayon at napatanong kung bakit pahaba kasi.
Sagot ni Janus, "till death do us part ata daw meaning niyan. Yung bulaklak talaga sa harap yung kumumpleto eh."
Nag-react at nagkomento naman dito si Carla sa comment section ng post.
"Masarap naman at fully edible. Pati guests nag-enjoy. Para sa amin maganda siya at yun ang importante," sagot ni Carla noong Disyembre 30.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Carla tungkol dito.
Kaugnay na Balita: Wedding cake mukhang 'wake:' Carla sinagot si Janus, 'Para sa 'min maganda, yun importante!'