May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Wedding cake mukhang 'wake:' Carla sinagot si Janus, 'Para sa 'min maganda, yun importante!'

Wedding cake mukhang 'wake:' Carla sinagot si Janus, 'Para sa 'min maganda, yun importante!'
Photo courtesy: Janus Del Prado/IG

Usap-usapan ang pagsagot ni Kapuso Goddess Carla Abellana sa naging biro ng aktor na si Janus Del Prado patungkol sa wedding cake niya noong Disyembre 27, 2025.

Matatandaang ikinasal si Carla sa kaniyang fiance na si Dr. Reginald Santos sa nabanggit na araw.

Ibinahagi ni Janus ang isang larawan patungkol sa mahabang wedding cake ni Carla, noong Disyembre 29.

"Cake! Ba't mo kami iniwan! Huhu!" mababasa rito.

Photo courtesy: Screenshot from Janus Del Prado/IG

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Sisiw na lang kulang," dagdag na saad pa ni Janus.

"Yung CAKE ang inorder mo pero WAKE ang ibinigay," dugtong pa ni Janus, na tumutukoy sa hitsura ng cake na tila kakulay at kahugis ng isang kabaong sa wake o burol.

Isang netizen naman ang sumang-ayon at napatanong kung bakit pahaba kasi.

Sagot ni Janus, "till death do us part ata daw meaning niyan. Yung bulaklak talaga sa harap yung kumumpleto eh."

Nag-react at nagkomento naman dito si Carla sa comment section ng post.

"Masarap naman at fully edible. Pati guests nag-enjoy. Para sa amin maganda siya at yun ang importante," sagot ni Carla noong Disyembre 30.

Photo courtesy: Screenshot from Janus Del Prado/IG

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Un din una kng naisip nong nakita ko ang video sa cake nila! Dpat heart nalang na malaki eh."

"Itawid na ang mga bata"

"Hahahhahahahahaha bat kasi hahahahhahahahahahahaha buti walang salamin"

"Are they close friends? I like Janus especially when he stands up for Bea sa mga posts niya but this one isn’t funny for me."

"Maganda naman nga kaso ung design at ung pwestuhan ng flower medyo naging awkward yung itsura."

"Janus, making comments like that on someone’s wedding day is disrespectful and unnecessary."

"Why would you make that kind of joke, let alone in socmed?! Kesehodang kaclose mo o kamag-anak, hindi yan gawain ng matinong tao."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Janus hinggil dito.