December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Fhukerat, napahugot: 'Social media is no longer a safe space!'

Fhukerat, napahugot: 'Social media is no longer a safe space!'
Photo courtesy: Kier Garcia/FB

Usap-usapan ang post na ibinahagi ng social media personality na si Kier Garcia o mas kilala bilang "Fhukerat" patungkol sa social media.

Sa nabanggit na post na mula kay "Jeff Writes," mababasa ang sentimyentong sa panahon ngayon, tila hindi na ligtas na espasyo ang social media dahil sa kaliwa't kanang bash o hate comments na puwedeng matamo ng isang netizen.

Makikitang ginamit sa kalakip na art card ang mga larawan nina Emman Atienza at Ivan Cezar Ronquillo, na parehong naging biktima ng social media bashing, na nagbunsod sa kanila para bawiin ang sariling buhay.

Si Emman ay anak ni GMA Network trivia master at TV host Kim Atienza, at si Ronquillo naman ay ang ex-boyfriend ng VMX actress na si Gina Lima.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Mababasa naman sa art card, "Social media is no longer a safe space."

Naba-bash ngayon at nakatatanggap ng kritisismo si Fhukerat matapos ang insidente ng pagkaka-denied entry niya sa Dubai, United Arab Emirates.

Nobyembre 21, naglabas ng pahayag si Fhukerat at isinalaysay ang kaniyang bersyon ng mga pangyayari kung bakit siya denied entry sa nabanggit na lugar.

"'Yong reason kung bakit hindi ako nakapasok ng Dubai, hindi sa pananamit ko, hindi sa make-up ko, at hindi sa pag-iingay ko," paliwanag ni Fhukerat.

"Ang sabi sa akin ng officer, na sinabi ko rito sa YT (YouTube channel) ko, sabi niya, 'It's because your identity [does] not match your passport."

"So 'pag tiningnan ako, mukha akong babae, pero tingnan n'yo 'yong passport ko, is nakalagay do'n 'male.' So 'yon ang pinaka-reason, walang reason kung nakadamit ako ng pambabae, hindi 'yon," aniya pa.

Sa pagpapatuloy pa niya, "Saka sabi ng officer, 'You know what, there's nothing wrong about you, gender expression is okay, pero 'yon nga, rules [are] rules, you should abide by the rules, ito 'yong rules namin.' Pasensya na raw kung gano'n 'yong nangyari."

"Sabi ko naman, 'It's totally fine. I understand that I should abide by the law, and I'm not really familiar with your rules here, and it's my first time, so I don't have any idea.' So 'yon 'yon, teh!" paliwanag pa niya.

Kaugnay na Balita: 'Mukha akong babae, pero sa passport male! Bakit 'denied entry' si Fhukerat sa Dubai?

Pero tila taliwas naman ito sa naging pahayag ni Queen Hera, na kinailangan nang magsalita patungkol sa isyu dahil binabakbakan ng bashers, na kesyo siya ang nagdala kay Fhukerat sa Duai subalit umano'y "pinabayaan" daw niya.

Paliwanag ni Queen Hera, masama ang loob niya kay Fhukerat dahil tila hinayaan pa raw nitong makuyog siya ng netizens, at mas inuna pa raw ang pag-upload ng reaction video patungkol sa resulta ng Miss Universe 2025, kaysa mag-upload ng paliwanag niya sa mga nangyari, at pagklaro sa panig naman niya.

Ayon kay Queen Hera, hindi raw siya nagkulang sa pagsita kay Fhukerat na mag-behave dahil nasa ibang bansa na sila.

"Hindi pa siya nakakarating sa Immigration Officer, hinarang na siya," saad ni Queen Hera.

"Tandaan n'yo, hindi pa nakakarating sa Immigration Officer, pinakadulo pa lang ng linya, alam n'yo 'yong airport sa Dubai napakahaba ng linya, pinakadulo pa lang ng linya, naharang na siya. Bakit kaya? Bakit kaya? Nanginginig ako habang sinasabi ko 'to. Hindi tayo aabot sa ganito kung marunong tayong mag-take ng accountability," saad pa ni Queen Hera.

Kuwento ni Queen Hera na ilang beses na niyang pinagsabihan si Fhukerat na mag-behave, maging noong nasa airport pa lamang sila sa Pilipinas dahil sa pagiging maingay nito. Ayon pa kay Hera, ipinagmalaki pa raw ni Fhukerat na siya ay “sikat” bilang social media influencer, sa Immigration sa Pilipinas.

Pagdating nila sa Dubai airport, hindi raw humupa ang ingay ng personalidad at nagsisigaw pa umano ito ng “Welcome to Dubai!” dahilan para pagtinginan na siya ng mga tao. Paulit-ulit pa raw siyang pinaalalahanan ni Queen Hera na maghinay-hinay o mag-behave dahil nasa ibang bansa na sila.

Dagdag pa ni Hera, habang sakay sila ng tren papuntang Immigration area, pumasok pa raw si Fhukerat sa female comfort room. Dahil sa dami ng CCTV sa paliparan, mabilis umanong namo-monitor ang mga kilos nito. Bago pa man sila makarating sa Immigration counter, hinarang na raw ang social media personality. Ayon sa paliwanag sa kanila, hindi raw usapin ng pananamit ang insidente kundi isang isyu tungkol sa national security.

Pagkapasok nila sa area, nagpatuloy si Hera sa kaniyang biyahe at kinuha ang kaniyang luggage. Ilang sandali pa, nakatanggap siya ng tawag na na-hold si Fhukerat sa Immigration. Hindi na raw siya pinayagang bumalik upang tulungan ito. Sinubukan pa niyang itanong kung maaaring magpalit ng damit ang kasama, ngunit tumanggi raw ang immigration officer na makipag-usap at sina Roldan at Mami John G lamang ang pinapayagang kumausap.

Ayon daw sa officer, “This is not about the outfit, this is about national security.” Naghintay sila hanggang madaling-araw, umaasang mapapalampas ang nangyari, ngunit ibinaba ang desisyon: blacklisted si Fhukerat at hindi na raw ito maaaring bumalik ng Dubai.

"'Do not ever come back to Dubai again, 'yan ang sabi sa kaniya," sey ni Queen Hera.

"Mangiyak-ngiyak ako, nanginginig ako, nanlalamig 'yong kamay ko..." sundot pa niya.

Ayon pa kay Queen Hera, napilitan siyang magsalita dahil nagalit siya sa ginawa ni Fhukerat. Sa halip daw na magpaliwanag tungkol sa insidente, mas inuna pa nito ang pagpo-post ng reaction videos kaugnay ng Miss Universe 2025.

Dahil dito, tila hinayaan umano ni Fhukerat na sila Queen Hera, ang kanilang mga kasama, at maging ang travel agent ay paulanan ng galit ng mga netizen.

Kaugnay na Balita: Fhukerat 'denied entry' dahil daw sa national security, blacklisted na sa Dubai!—Queen Hera

Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens kay Fhukerat:

"Alam mo sis, para sa ikabubuti mo din naman to. Magbehave ka nalang kasi. Baguhin mo yung sarili mo. Sayang ang career mo eh yan lang ang nag iisa mong source of income ang pagiging content creator. Di ka naman celebrity or influencer kasi wala ka namang naiinfluence. Please for yourself and for the sake of your family. Magbago ka."

"Your lack of accountability and self reflection is what makes people don't like you. You may be authentic, you may be comic, real or whatsoever but there are boundaries to observe. And you've crossed those lines. I hope this truly becomes a lesson for you. Grow up and show up. Ikaw din yung nadescribe eh 'clout chasing' for the sake of content. Have you reflected on these words ba? Don't they ring a bell?"

"Hope you apply this to yourself as well. Be mindful din sa feelings ng ibang tao especially those who are helping or trying to lift you up. Di pwedeng ikaw lagi ang iintindihin ng tao... you need to do your part."

"Ok lang yan!! More comments More Bashing More Share more Earnings. Payo lang Bebe,wag masyadong mataas ang kuwa lalot di pa naman din ganung kasikat. Kapag may blessings na dumating like endorsement maliit man o malaki matutong magpasalamat. Ayusin din ang sarili lalo na ang ugali para di din mapasama yung products/company or yung taong kumuwa sayo. Maging aral din sayo yan na kapag pupunta ka sa isang lugar/bansa alamin mo yung mga does and dont ng lugar nila. At ang pinaka mahalaga sa lahat matutong rumespeto at laging maging mapagkumbaba wag ilagay sa ulo ang kasikatan."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Fhukerat hinggil sa mga isyung ipinupukol sa kaniya.