December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Gerald Anderson at Julia Barretto, kumpirmadong hiwalay na!—Star Magic

Gerald Anderson at Julia Barretto, kumpirmadong hiwalay na!—Star Magic
Photo courtesy: via MB

Kinumpirma mismo ng Star Magic na hiwalay na ang kanilang artist na si Gerald Anderson sa girlfriend nitong si Julia Barretto, batay sa kanilang opisyal na pahayag.

Mababasa sa opisyal na social media page ng talent arm management ng ABS-CBN ang tungkol sa hiwalayan ng dalawa.

Mababasa, "Star Magic confirms that Gerald Anderson and Julia Barretto have mutually decided to end their relationship."

"We request the public to respect their decision and refrain from spreading false narratives."

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

"Gerald and Julia are grateful to their fans and friends for the love and support."

Hindi naman nabanggit na opisyal na pahayag ang dahilan ng hiwalayan.

Matatandaang napag-usapan na sa showbiz vlogs nina Ogie Diaz at Cristy Fermin ang hinggil sa mga kumakalat na tsikang hiwalay na raw ang dalawa.

Kamakailan lamang ay natanong pa ni Ogie ang tita ni Julia na si Optimum Star Claudine Barretto hinggil dito, gayundin ang pagkakadawit sa isyu ng volleyball player na si Vanie Gandler.

"Ako I don't have any idea," anang Claudine.

"I have no idea. Puro naririnig ko rin lang, ang daming mga fake news, may kung sino-sinong babae, Gigi, may ganiyan-ganiyan... Arci... napatunayan mo na fake," saad ni Claudine.

Inurirat na rin ni Ogie ang tungkol naman sa nali-link na volleyball player kay Gerald na si Vanie Gandler.

"Sino? Marami akong volleyball players na kaibigan at mga anak-anakan, kaya lagi ako nasa PVL," giit ni Claudine at inisa-isa ang mga pangalan ng volleyball players na malapit sa kaniya.

Nang tanungin ni Claudine kung sa aling team ang tinutukoy ni Ogie, sagot ng huli ay "PLDT."

Maya-maya, nag-name drop na si Ogie at sinambit ang "Vanie Gandler." Ayon kay Ogie, kung si Claudine ay aminadong nanonood ng volleyball game, ilang beses na ring napabalita ang panonood din ni Gerald ng laro, at dito na nga nagsimulang ma-link ang volleyball player sa aktor.

"Ay hindi pa kami nag-abot, buti na lang," sambit ni Claudine.

Kaya raw nabanggit ni Ogie ay dahil na-link nga raw si Gerald kay Vanie ng Cignal HD Spikers, dahil sa madalas daw na nakikitang nanonood ng game ang aktor. Magkaibigan naman daw talaga ang dalawa.

Pero sansala ni Claudine, "Hindi 'yan ang ikinuwento sa akin ng mga babies ko sa volleyball."

Nang uriratin ng dalawa kung ano ang ikinuwento sa kaniya, sagot ni Clau, "Secret!"

"Basta hindi na 'ko nanonood ng PVL."

Tinanong naman si Claudine kung anong nag-trigger sa kaniya para hindi na manood ng volleyball game.

"Siya! Ayoko nang makita," asik ni Claudine.

Giit ni Claudine, fan siya ng volleyball at may mga paborito rin siyang volleyball players.

"Wala naman akong galit sa bata, hindi ko lang siya gusto, puwede naman 'yon 'di ba?" diretsahang dagdag pa ni Claudine.

Hindi naman diretsahang sinabi ng tita ni Julia kung totoo ba ang intriga sa pagitan ng volleyball player at kay Gerald.

KAUGNAY NA BALITA: Claudine nag-react sa Gerald-Julia breakup issue, pagdawit kay Vanie Gandler

Samantala, sa ulat naman ng Fashion Pulis, napababalita naman ang umano'y pagkaka-link ni Julia kay Lucas Lorenzo, kapatid ng mister ng kaniyang ikinasal na sisteret na si Claudia Barretto, na si Basti Lorenzo.

Wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Gerald at Julia tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.