December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, kinuwestiyon pagpapagamot ni Zaldy Co sa US

Ogie Diaz, kinuwestiyon pagpapagamot ni Zaldy Co sa US
Photo Courtesy: Ogie Diaz, Zaldy Co (FB)

Nagbato ng tanong si showbiz insider Ogie Diaz kaugnay sa pagpapagamot umano ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa Amerika.

Matatandaang sa isinagawang press briefing ni House Spokesperson Atty. Princess Abante kamakailan ay sinabi na niya ang kinaroroonan ni Zaldy

“I made an initial inquiry sa Office of the Secretary General. Sa pagkakaalam ko, he's currently out of the country,” anang House Spox.

Dagdag pa niya, “I understand na sa United States siya for medical treatment with appropriate travel documents. Kung ano yung mga travel documents na 'yon, wala pa kong copy.”

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Maki-Balita: ‘For medical treatment?’ Rep. Elizaldy Co,kumpirmadong nasa labas ng bansa—House Spox

Kaya naman sa latest Facebook post ni Ogie noong Huwebes, Setyembre 4, inusisa ni Ogie kung hindi ba kayang magamot sa Pilipinas si Zaldy.

“Ah so hindi kaya ng mga best treatments dito sa Pinas?” tanong ng showbiz insider.

Matatandaang naging matunog ang pangalan ni Zaldy matapos pumutok ang isyu ng anomalya at korapsyon sa flood control project kung saan sinasabing sangkot siya sa isa sa mga kontraktor na pinangalanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Maging ang pamangkin niyang si Claudine Co—na anak ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Christopher Co—ay naging sentro din ng kontrobersiya matapos mapuna ang maluho nitong pamumuhay sa gitna ng

Basahin: Kilalanin: Sino nga ba ang pinag-uusapang si Claudine Co?

Si Zaldy ay dating chairman ng House Committee on Appropriations na kalaunan ay nagbitiw sa posisyon dahil sa kalagayan umano ng kaniyang kalusugan.

Maki-Balita: Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang chairman ng House Committee on Appropriations