May 21, 2026

Home BALITA National

'Politically reprehensible!’ Ex-Sen. Drilon, kinudang magpaliwanag sa publiko si Sen. Padilla

'Politically reprehensible!’ Ex-Sen. Drilon, kinudang magpaliwanag sa publiko si Sen. Padilla
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, Robin Padilla (FB)

Idiniin ni dating Senate President Franklin Drilon na kailangan daw magpaliwanag ni Sen. Robin Padilla sa naging dahilan nito sa pagtulong kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na makatakas sa mga awtoridad at inisyung warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC). 

Matatandaang isinapubliko ng Philippine National Police (PNP) noong Miyerkules, Mayo 20, 2026, ang nakolekta nilang CCTV footage kung saan mapapanood ang pagpunta nina Padilla at Dela Rosa sa parking lot ng Senado madaling-araw noong Mayo 14, 2026. 

Anang PNP, bandang 2:30 ng madaling-araw noong Mayo 14 nang makaalis sa Senado sina Dela Rosa matapos ang anim na oras nang maganap ang putukan noong gabi ng Mayo 13 mula sa mga opisyal ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ng Senado at National Bureau of Investigation (NBI). 

Sa impormasyon pa ng PNP, sumakay si Dela Rosa sa Fortuner na puti na may plakang “DAV 1225” na nakarehistro umano kay Padilla. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, 2:30 ng madaling-araw nakaeskapo sa Senado!—PNP

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Ayon naman sa naging pahayag ni Drilon sa naging panayam sa kaniya ng isang TV station noon ding Miyerkules, Mayo 20, sinabi niyang “politically reprehensible” o hindi raw katanggap-tanggap ang ikinilos ni Padilla. 

“Certainly, that act is reprehensible politically,” pagsisimula niya. 

Ani Drilon, may pananagutan daw si Padilla na magpaliwanag sa publiko kung ano ang naging dahilan niya sa pagtulong kay Dela Rosa na makaalis sa Senado.

“The senator should explain to the public what he did. Why he did this?” diin niya. 

Pagpapatuloy ni Drilos, tinutugis na raw ng international court, partikular ng ICC, si Dela Rosa at nakita na ng publiko na si Padilla ang nakasama ng naunang nabanggit para makatakas sa mga awtoridad at dapat raw itong maipalawanag sa publiko.

“For Sen. Padilla to be seen escorting Sen. Bato, who is the subject of a warrant of arrest by the international Court, is something that he should explain to the people,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag si Padilla kaugnay sa nasaad na ito ni Drilon. 

Matatandaang hindi naman inaprubahan ng Korte Suprema, sa nalikom nilang boto na 9-5-1, ang inihaing petisyon ng kampo ni Dela Rosa na maglabas ng temporary restraining order (TRO) dahil na rin sa nakaambang arrest warrant ng ICC laban sa senador. 

KAUGNAY NA BALITA: OSG, tinanggap 'di pag-apruba ng Korte Suprema sa TRO ni Sen. Bato!