May 21, 2026

Home BALITA National

DBM Sec. De Leon, 'di hahayaang muling maabuso pondo sa flood control

DBM Sec. De Leon, 'di hahayaang muling maabuso pondo sa flood control
Photo courtesy: DBM


Nanindigan si newly-appointed Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim De Leon na hindi nila hahayaang muling maabuso ang pondo ng taumbayan at bansa para sa isa na namang flood control scandal.

Sa isinagawang inaugural address sa DBM leadership turnover ceremony noong Miyerkules, Mayo 20, idiniin niya na sa mga Pilipino mapupunta ang bawat piso ng pondo ng bansa.

“Let us be clear: we will not allow the budget to be abused again for another flood control scandal. Klaro ang direktiba ng Pangulo — bawat piso, mapupunta sa tao. Hindi sa corruption. Hindi sa kapabayaan. Hindi sa mga proyektong walang pakinabang sa mamamayan,” saad ni De Leon.

Tiniyak din ng bagong budget secretary na direkta nilang pagagaanin ang buhay ng mga Pinoy sa mabilis at maayos nilang serbisyo.

“Sa DBM, dito bawal ang mabagal. Sa DBM, dapat bawal ang maghintay. Ang serbisyo dapat mabilis. Sa DBM, dapat bayan ang makikinabang. Sa DBM, dapat bida ang mamamayan. Ang gobyerno dapat maramdaman. Ang budget dapat direktang nagpapagaan ng buhay ng ating mga kababayan,” anang budget secretary.

Giit niya, “As a true blooded scout, I am guided by the scout code—always and in all ways. Sabi nga namin: On my honor, I will do my best. Hence, my mission is not only to maintain my personal record clean but also to regain public trust in the Department of Budget and Management. Public office is public trust, and every peso entrusted to [the] government carries the hopes of the Filipino people.” 

Kinilala rin ni De Leon ang propesyonalismo at integridad ng pinalitan niyang kalihim na si ex-DBM Sec. Rolando Toledo.

National

Sen. Risa kay Sen. Bato: 'Igalang batas, mag-submit sa alagad at proseso ng batas!'



“Secretary Rolly Toledo dedicated nearly four decades of his life to public finance and public service. His integrity, professionalism, and commitment to reform will remain part of the foundation we will continue building upon,” ani De Leon.

Noong Lunes, Mayo 18, matatandaang kinumpirma ng Palasyo na si De Leon na ang hahalili kay Toledo bilang kalihim ng DBM.

Sa kasalukuyan, si De Leon ang pinakabata sa gabinete ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.