Isang content creator, na isa ring Doctor of Dental Medicine (DMD), ang naghayag ng isang katanungan ukol sa litrato ng umano’y “disney princess” na si Jammy Cruz.
Ibinahagi ng content creator na si “Dok Mayki” sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Setyembre 3, ang litrato ni Jammy na nakasuot ng asul na swimming outfit.
Mababasa naman sa caption ng nasabing post ni Dok Mayki ang tanong na “Wala syang pusod?”
Umani ang nasabing post ng DMD content creator ng samu’t saring komento at reaksyon.
“Mabuti pa ang dagat may pusod”
“Wala namn kasing pusod ang octopus eh”
“Sa lahat ng Piggy bank na nakita ko, Fyi ito may ityura”
“Maganda boses nan narinig kona nung nanood ako ng trolls”
“Parang si grimace na e”
“Sinulit niya ung marami clang pera makikita sa katawan”
Matatandaang isa si Jammy Cruz sa ilang personalidad na binigyan ng bansag na “Disney Princess.”
Ang mga Disney Princess ay ang mga anak ng mga kontraktor na nasa likod ng umano’y peke at maanomalyang flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA