December 13, 2025

Home BALITA National

PBBM, pinanumpa na sina Dizon, Lopez sa mga bagong posisyon

PBBM, pinanumpa na sina Dizon, Lopez sa mga bagong posisyon
Photo courtesy: PCO (FB)

Nanumpa na bilang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si dating Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa Malacañang ngayong Lunes, Setyembre 1.

Bukod kay Dizon, nanumpa na rin si dating Undersecretary Giovanni Z. Lopez bilang Acting Secretary ng Department of Transportation, na siyang papalit kay Dizon.

Matatandaang noong Linggo, Agosto 31, tinanggap ni PBBM ang pagbibitiw sa tungkulin ng dating kalihim ng DPWH na si Manuel Bonoan.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, tinanggap resignation ni DPWH Sec. Bonoan

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Kasalukuyang nahaharap sa kontrobersiya ang kagawaran dahil sa mga umano'y anomalya sa "ghost" projects ng ilang contractors ng pamahalaan para sa flood control projects.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Dave Gomez, papalitan si Bonoan ni Department of Transporation (DOTr) Sec. Vince Dizon.

“Secretary Dizon has been tasked to conduct a full organizational sweep of the Department and ensure that public funds are used solely for infrastructure that truly protects and benefits the Filipino people,” saad sa pahayag.

Matatandaang kamakailan lang ay nanindigan pa si Bonoan na wala siyang balak magbitiw bilang kalihim ng DPWH.

Aniya, "Mayroon ngang nananawagan sa akin, na ako po raw ay mag-leave o kaya mag-resign, dahil po sa isyung ito. 'Yan po sana ang madaling gawin, mag-resign o talikuran ko ang problema pero hindi po ang pag-alis o pag-iwas ng responsibilidad ang tamang paraan ng paghahanap ng solusyon.”