Binalaan ni showbiz columnist si Cristy Fermin si Unkabogable Star Vice Ganda matapos siyang idawit sa birong binitawan nito sa "Super Divas" concert.
Habang nakikipag-interact kasi sa audience, naispatan ni Vice ang kaibigang sina Lassy at MC Muah na nanonood sa kaniya.
“So you made it,” sey ni Vice Ganda sa dalawa.
Pambubuska pa niya, “Bakit kayo nandito? Magagalit si Cristy Fermin! Akala nila magkakaaway tayo, sisirain ninyo ‘yong narrative. Mawawalan sila ng content.”
MAKI-BALITA: MC, Lassy sumulpot sa concert: Vice Ganda, 'ipinaubaya' si Cristy kay Bea
Kaya sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Agosto 11, binuweltahan niya ang tatlong magkakaibigan.
“Lassy, MC—lalo ka na MC—maano ngang magpakatotoo ka! Ano ba ang sinabi mo kay Vice? Anong malay namin sa nangyari sa Palawan? Anong alam namin sa ‘Showtime?’ [...] Anong alam namin sa pagkakaibigan n’yo?” saad ni Cristy.
“Mag-reality check ka, Vice,” wika niya. “Nasa palibot mo lang ang mga ahas na tumutuklaw sa ‘yo. Puwede ba magtigil nga kayo? Magpakatotoo nga kayo!”
Dagdag pa ng showbiz columnist, “Anong content? Ano? Inimbento namin ‘yong kuwento. Hindi kami nag-iimbento ng kuwento. May binasa kami. Alam mo ‘yan, MC!”
Matatandaang sa isang episode ng vlog ni Vice noong Mayo ay kinompronta niya si MC dahil hindi umano marunong makisama habang sila ay nagbabakasyon sa Palawan.
MAKI-BALITA: Vice Ganda nabuwisit kay MC: ‘Hindi marunong makisama!’
Ilang araw matapos nito, nagbigay ng reaksiyon si Cristy sa kaniyang programa dahil sa ginawang ito ni Vice kay MC.
Aniya, “Masyado akong naapektuhan para kay MC,’yong pagluha niya, ‘yong paghagulhol niya.”
MAKI-BALITA: Cristy Fermin, apektado sa 'pamamahiya' ni Vice Ganda kay MC Muah