May 21, 2026

Home BALITA National

'Walang brownout!' DOE, inanunsyo normal na operasyon sa Luzon at Visayas

'Walang brownout!' DOE, inanunsyo normal na operasyon sa Luzon at Visayas
Photo courtesy: Unsplash

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na balik sa normal na ang operasyon ng Luzon at Visayas grid ngayong Sabado, Mayo 16. 

Sa anunsyo ng DOE, as of 10:30 AM, mayroong 15,799 megawatt (MW) na capacity ang Luzon grid, at 12,107 MW namang demand. 

Mayroon namang 2,768 MW available capacity sa Visayas grid habang 2,339 MW naman ang demand. 

Binanggit din DOE na kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP), National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at Energy Regulatory Commission (ERC), generation companies, at iba pang industry stakeholders upang matiyak ang pagsasaayos ng kuryente sa mga apektadong pasilidad. 

Samantala, sa kabila ng samu’t saring reaksyon, tila nabunutan ng tinik ang maraming netizens dahil sa balik normal na operasyong ito sa kuryente, na nangangahulugan ng walang brownout sa Luzon at Visayas. 

National

Sen. Risa kay Sen. Bato: 'Igalang batas, mag-submit sa alagad at proseso ng batas!'

“Thank you. Oh my God. Thank you talaga.”

“Hahahahhaahahaha ok mag thank you ba kami?”

“Congratulations!!!!”

“Dapat lang po. Every year naman pag summer super mainit sa pinas. Anticipated na yan na dapat ginagawan ng paraan ng gobyerno pano masolve ang problema. Last recourse nila lagi...power outage. High tech na ngaun. You should have a better solution.”

“Sana wala ng rotational brownout na magaganap sa mga sususnod araw”

“Gusto pa kasi mamura ng taong bayan”