June 16, 2025

Home BALITA Internasyonal

Paghahain ng interim release ni FPRRD, masyado pang maaga —abogado

Paghahain ng interim release ni FPRRD, masyado pang maaga —abogado
Photo Courtesy: via MB, ICC (FB)

Naghayag ng opinyon ang chairperson ng Center for International Law na si Atty. Joel Butuyan kaugnay sa petisyon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa pansamantalang kalayaan nito sa International Criminal Court (ICC).

MAKI-BALITA: FPRRD, humiling na ng interim release; may bet ng puntahan na bansa

Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Lunes, Hunyo 16, sinabi ni Butuyan na masyado raw maaga ang paghahain ng interim release ni Duterte.

Aniya, “With respect to the timing, as I said, this is really so early in the game. Because if you’re going to compare with previous cases, the application for interim release was made while the trial was ongoing, and when evidence or conviction would appear weak.”

Internasyonal

Conti, bumwelta sa pahayag na 'powerless' na si FPRRD: 'Lokohin mo lelang mo!'

“And in other cases, the applications were made while the appeal was already ongoing. So this is actually very early for them to file,” dugtong pa ni Butuyan.

Sa Setyembre 23 pa nakatakda ang confirmation of charges hearing ni Duterte matapos ang pagharap niya sa Pre-Trial Chamber noong Marso para sa kasong crimes against humanity.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025

Samantala, sapantaha ng abogado, Belgium umano ang bansang tatanggap sa dating pangulo sakaling aprubahan ng ICC ang pansamantalang paglaya nito.

Matatandaang nauna nang naghayag ng pagtutol ang pamilya ng mga biktima ng war on drugs sa hiniling na interim release ni Duterte sa pamamagitan ng Rise Up for Life and for Rights, isang alyansang nagsimulang mabuo bilang pagtugon sa noo’y dumaraming kaso ng patayang may kinalaman sa droga.

MAKI-BALITA: Pamilya ng mga biktima ng war on drugs, umalma sa interim release ni FPRRD